Bandera Editorial
NAPAPANAHON pa rin ang mga sinabi ni Dr. Jose P. Rizal sa Noli Me Tangere hinggil sa mga mangmang na umuugit ng bansa.
Kaya naman, kapag ang opisyal na tagapagsalita ay nagpapahayag sa media ng:
1. In my opinion…
2. I think…
3. I would say that…
4. I guess
5. Probably…
6. In all probability
7. Perhaps…
8. Well, that may be….
9. Your guess is as good as mine.
10. Maybe,
Hindi siya nagsasalita para sa pangulo o sinumang pinaglilingkuran niya. Ang dapat niyang sabihin ay kung ano ang sinabi ng pangulo o pinaglilingkuran niyang ahensiya at hindi huhugutin sa kanyang pananaw o tuktok ang sagot.
Kung ang tagapagsalita ay nagsisimula nang magpaliguy-ligoy, o namamasyal na ang diwa at di sinasagot ang tanong, dalawang bagay ang nangyayari:
1. Hindi niya alam ang sagot.
2. Nagsisinungaling siya o may kailangang itago sa media.
Bandera, Philippine news and politics, 071210