MASAMA ang pakiramdam ni Daniel Padilla nu’ng gabing ganapin ang PMPC 5th Star Awards for Music sa Solaire Resorts & Casino sa Parañaque City, pero talagang dumalo pa rin siya para tanggapin ang kanyang award, ang New Recording Male Artist of the Year.
Grabe ang fans ni DJ, dahil kahit saan yata siya magpunta ay talagang nakasuporta ang mga ito sa kanya. Imagine, ang layu-layo na ng venue ng event pero nakapunta pa rin sila para samahan ang singer-actor.
Sa pagkakaalam namin, bago pa magtungo si Daniel sa nasabing awards night at ay galing lang siya sa sakit, balitang nilalagnat siya habang nagte-taping ng seryeng Got To Believe ng ABS.
Pero sa kabila nito, itinuloy pa rin daw ng aktor ang pagtatrabaho. After the taping, pinagpahinga na rin daw si Daniel.
Pero nu’ng Sunday nga ay bigla uling sumama ang kanyang pakiramdam kaya hindi na tinapos ng binata ang gabi ng parangal at nagdesisyon na ring umuwi.
Hindi na tuloy niya natanggap ang ikalawang award na iginawad sa kanya, ang Pop Album of the Year para sa kanyang self-titled album (Star Records).
Saludo kami sa professionalism ni Daniel dahil hindi siya tulad ng iba na ubo’t sipon lang akala mo matter of life and death na ang karamdaman.
Kaya naman hindi na kami nagtataka kung patuloy na inuulan ng blessings ang aktor. Marami ang nagsasabi na talagang maswerte si Kathryn Bernardo kapag sila ni Daniel ang nagkatuluyan dahil bukod sa mabait, marespeto at responsableng anak ay hindi rin ito babaero tulad ng mga kapamilya niya sa Padilla family.
( Photo credit to Google )