MEGAN bawal nang bumeso at yumakap sa miyembro ng PRESS


Still on ASAP, ini-replay din nila ang pagbisita roon ni  Megan Young nu’ng manalo pa lang itong Miss World Philippines..
Tingin namin, ibang-iba na ang aura ngayon ni Megan kumpara noong kakahirang pa lang sa kanya bilang Miss World  Philippines.

Lumabas na sa kanya ang confidence, plus nag nag-improve na rin ang pagkeri niya sa kanyang sarili. When we got the chance to see her in Solaire last Thursday, she still is the same Megan na madalas naming nakakasabay sa skin clinic na Faces & Curves. Palangiti at talagang babatiin ka.

Medyo may iba na nga lang hatid ang nasabing titulo sa kanya dahil yung usual beso-beso o mga pagyakap ay medyo off-limits na. “Rule” daw yun ng Miss World na hanggang pag-shake hands lang ang dapat na ginagawa.

Kahit yung mga kapamilyang totoo ni Megan kung saan nasabik sa kanyang yumakap at humalik, ay dapat na sa private na lang nila gagawin yun at bawal yung kunan ng mga kamera.

Kaya huwag nang magtampo ang mga kababayan natin kapag na-experience rin nila ito.

( Photo credit to INS )

Read more...