TINTIN: Sikreto ng relasyon namin ni JULIUS, siyempre SEX!


Para kay Face The People host, Tintin Bersola-Babao ay hindi akma ang terminong “resign” na ginamit ni Robin Padilla para sa lahat ng senador na sangkot sa pork barrel scam, dapat daw ay on-leave muna.

“For now, habang ini-imbestigahan, siguro mag-on leave, courtesy leave. Kasi di ba, sa ibang bansa ganu’n, basta na-involve na ang name nila, they’re go on courtesy leave habang iniimbestigahan para malinis, walang bahid.

“Di ba ganu’n din sa ordinary worker, kapag may kasalanan tayo, sinu-suspend tayo, so parang ganu’n lang.  Kaya i-suspend lang o sila mismo ang magkusa to go on leave first while the trial is on going,” paliwanag pa ni Tintin.

Masyadong vocal si Tintin sa saloobin niya tungkol sa pork barrel scam, hindi ba natatakot ang TV host na baka may mangyari sa buhay nilang pamilya? “Hindi naman, kasi si Julius (Babao), ang dami na (ibinunyag), may Bistado, may XXX dati, pero wala ‘yang bodyguard kasi naniniwala kami na kung oras mo na, oras mo na talaga, ang importante, you have to make a stand,” katwiran ng TV host.

Samantala, 10 years na sina Tintin at Julius sa Dis. 8 kaya natanong ang TV host kung paano nila ito ise-celebrate, “Hmmm, marami, sex? ‘Yun ang secret kaya 10 years na. Ha-hahaha! Hindi, patawa lang ‘yan ha!”

“Seriously, I have three formula na nag-work sa amin ni Julius, extreme love for each other, pareho kami ng vision sa buhay na pagtanda namin, mawala man ‘yung romance, ‘yung sex, dapat nakikita n’yo you will grow old together, travelling the world together at hindi kami nag-aaway sa pera kahit sa in-laws,” sey pa nito.

E, paano naman ang oras sa sexlife? “Magandang tanong ‘yan?  Puwedeng afternoon delight, puwedeng madaling araw. Ha-hahaha!” humalakhak pang sagot ni Tintin.

( Photo credit to Google )

Read more...