POSIBLENG ibalik ang “mandatory” na pagsusuot ng face mask sa ating bansa.
‘Yan ang naging pahiwatig ni Pangulong Bongbong Marcos dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon sa pangulo, kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang current trends ng nasabing virus.
“We’ll look at it. Tingnan natin kung may guidance ang IATF (Inter-Agency Task Force), may guidance and DOH (Department of Health). I hope we don’t have to, but we might. But I hope not,” sey ng presidente sa isang interview.
“Ako ang tinitingnan ko is although ‘yung rate of increase lumalaki, ang baseline natin na sinimulan eh maliit lang so hopefully we’re still going to be able to do it,” dagdag pa ni Marcos.
Nabanggit din ni Pangulong Bongbong na isinasaalang-alang din ng gobyerno kung paano nakakaapekto ang mainit na panahon na nagdudulot ng pagkahina ng resistensya laban sa COVID-19.
Ito, aniya, ay maaaring maging dahilan upang muling isagawa ng gobyerno ang vaccination drive.
Baka Bet Mo: Unang kaso ng ‘Arcturus’ naitala sa Western Visayas, pasyente gumaling na –DOH
“Looks like we will have to conduct again, especially for the young people, a vaccination push para mabawasan na ‘yan, especially with people na nahihirapan na nga e dahil sa init, humihina ang katawan and that will make them more vulnerable to COVID-19 again,” sambit ng pangulo.
Nitong April 30, ibinalita ng independent pandemic monitor na OCTA Research na sumipa na sa 14.3% ang “positivity rate” o bilang ng mga nahahawaan ng virus sa Metro Manila.
Magugunitang nasa 9% lang ang positivity rate noong nakaraang linggo.
Para sa kaalaman ng marami, ang itinakdang positive rate benchmark ng World Health Organization (WHO) ay below 5%.
Ibig sabihin niyan, lumagpas na tayo nang sobra sa nabanggit na benchmark ng WHO.
Gayunpaman, nabanggit ni OCTA fellow Guido David na nananatiling “low risk” pa rin ang occupancy rate pagdating sa COVID-19 hospital beds na nasa 22%.
As of April 28, sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 5,293 na ang active cases o patuloy na nagpapagaling sa virus.
Kamakailan lang ay natuklasan sa bansa ang kauna-unahang kaso ng tinatawag na “Arcturus” o XBB.1.16 Omicron subvariant.
Ito ay unang naitala sa Western Visayas noong April 25, pero gumaling na ang naturang pasyente.
Ayon sa DOH, ang bagong virus ay kasalukuyang kumakalat na sa 33 na bansa.
Paliwanag pa ng ahensya, mas madaling kumalat ang bagong variant kaya ito ay una nang ibinalita ng World Health Organization noong May 22 at ng European Centre for Disease Prevention and Control noong May 23.
Read more:
Pag-aaral: Malacañang pang-15 sa ‘largest official residence’ sa buong mundo