MAXENE maligaya sa kandungan ng bagong BF, RENZ dedma na


Meanwhile, the usual “machika” na Maxene Magalona naman ang nakahuntahan namin. Bilang kontrabida sa Mga Basang Sisiw na matindi ang obsesyon sa karakter ni Raymond, dapat lang daw talagang magbayad ang karakter niya sa pagiging salbahe nito lalo na sa mga bata.

“Ganu’n pala yun. Nakaka-drain yung sobrang salbahe ka. Minsan nga, parang nadadala ko na siya sa totoong buhay. Mahirap tanggalin,” pagbabahagi nito.

Sa takbo ng kuwento ng Mga Basang Sisiw, isang realistic ending daw ang inaaasahan nila.  Though magiging happy family uli sina Lani at Raymond, may mga bagay daw na hindi na keri na gamutin o ayusin.

Bukod nga sa kanila at mga bagets, bida rin sa soap sina Mike Tan, Derrick Monasterio, Caridad Sanchez at iba pa. Pero ang bongga naman daw ay mayroon siyang non-showbiz boyfriend ngayon na laging nandiyan para ibalik yung Maxene na bubbly, young and energetic.

“He understands me so well at okay kami pagdating sa trabaho ko at trabaho niya (taga-bangko ang dinig namin). When we’re together, ibang-iba ako as I feel my being a fulfilled woman.

I also like his sense of humor. Yun bang wala kaming gagawin minsan kundi tumawa lang,” tsika pa ni Maxene. Nang madako ang kuwentuhan namin sa kanyang ex-BF na si Renz Fernandez who is a Kapuso artist na at may magandang career, napangiti ito at sinabing “natutuwa ako siyempre. We’re friends and I am proud na masaya siya at nagugustuhan ng mga tao.”

( Photo credit to Google )

Read more...