SAM pasasagutin ng ‘OO’ si JESSY bago mag-Pasko


Speaking of Jessy Mendiola, puspusan na rin ang ginagawang panliligaw ni Sam Milby sa dalaga, mukhang seryoso na talaga ang aktor na magkadyowa bago mag-Pasko.

Sa huling interview namin kay Sam, sinabi nitong ayaw naman niyang madaliin si Jessy at handa siyang maghintay, pero siyempre, iba pa rin kapag napasagot niya ang aktres ngayong holiday season para mas mainit ang kanilang magiging Christmas, di ba?

Well, na kay Jessy na ‘yan, siguro naman makakaya niyang pagsabayin ang career at lovelife, sayang kasi kapag nagsawa at napagod si Sam sa panliligaw sa kanya dahil talagang bagay na bagay sila.

Ha-hahaha! Talagang pinilit namin si Jessy na sagutin na si Sam. Samantala, kahit na wala pang girlfriend, feeling blessed pa rin si Sam dahil sa kanyang career.

Walong taon na rin siya sa showbiz at hanggang ngayon ay makinang pa rin ang kanyang bituin.  “Yes, ang daming blessings. My eighth year in showbiz is coming since ‘yung time na lumabas ako sa PBB house ‘yun talaga ‘yung start ng showbiz and alam n’yo naman na napakahirap na tumagal sa business lalo na ngayon na ang daming bata ngayon.

“And may dalawang movie ako na ginagawa and I just did teleseryes this year and for me I feel so blessed right now,” kuwento ni Sam.

Inamin ni Sam na hindi rin niya inakala na magtatagal siya bilang artista, “I never thought na it will work kasi ako ‘yung klase ng tao noon na ayoko ng attention, ako ‘yung nagtatago sa likod when I was younger, I never liked the attention eh, ako ‘yung mahiyain parang it’s something that I adjusted to.”

Hiling pa niya, “Ako I just want to grow and ‘yun lalo na ngayon especially my last role it help me to do something different and it got me out of my comfort zone.”

( Photo credit to Google )

Read more...