Unang 5 ‘housemates’ ng Misters of Filipinas Academy ipinakilala na

Unang 5 ‘housemates’ ng Misters of Filipinas Academy ipinakilala na

Ipinakikilala ng Misters of Filipinas Academy ang unang limang kasali sa summer boot camp nito./ARMIN P. ADINA

MAKARAANG manawagan ng mga nagnanais na makasali sa “summer boot camp” nito, ipinakilala na ng Misters of Filipinas Academy ang unang limang ginoong napili upang sumailalim sa serye ng mga pagsasanay sa isang bubong.

Ipinakilala sina Archmylz Angel Perez at James Harley Lagas mula Batangas, Jerad De La Raga mula Bacolod, Jovy Morante mula Tarlac, at Bill Gerali Galvin III mula Baguio City sa birthday party ni Carlo Morris Galang, pangulo ng Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation Inc. na organizer ng Misters of Filipinas at Man of the World pageants, na ipinagdiwang sa Palacio del Maynila sa lungsod ng Maynila noong Abril 26.

Sinabi ni Galang na napili na rin ang pitong iba pang makakasali, ngunti hindi nila nasamahan ang lima sapagkat malayo pa ang mga pagmumulan nila. Titipunin ang lahat ng 12 “housemates” sa loob ng isang bahay at sasailalim sa programang inilatag upang mapaunlad ang kakayahan, kaalaman at kumpiyansa ng mga kasali, na maghahanda sa kanila hindi lamang para sa mga patimpalak kundi maging para sa pagmomodelo at pag-aartista rin.

“The selection process for the boot camp includes various factors, including potential, but it is not the sole determining factor. Our focus for this cohort is to prepare all participants holistically, regardless of their previous experience or background. We aim to help each participant develop their skills and confidence, and ultimately become better versions of themselves,” sinabi niya sa isang naunang panayam.

“There will be three sessions per day during the boot camp, each lasting two hours. These sessions will cover a range of topics, including catwalk techniques, grooming, styling, and photoshoots, and will be led by experienced trainers and industry experts,” ibinahagi pa ni Galang, na nagsabing sa Mayo magsisimula ang programa.

Sa pagtatapos ng programa sa Mayo 26, lima sa pinakamahuhusay na housemates ang uusad bilang mga opisyal na kandidato sa ika-10 edisyon ng Misters of Filipinas pageant sa Setyembre. Nagbigay naman ng paglilinaw si Galang: “It is important to note that all participants in the Misters of Filipinas competition have to go through a rigorous selection process, and the successful candidates who qualified through the boot camp are not guaranteed to win the competition.”

Isang dekada nang nagtatanghal ng male pageants ang PEPPS, at nagmula sa Misters of Filipinas competition ang ilang sa mga Piliinong nakapagtala ng unang panalo ng bansa sa iba’t ibang pandaigdigang patimpalak—sina 2014 Mister International Neil Perez, 2016 Man of the Year Karan Singhdole, 2018 Mister Tourism Universe Ion Perez, 2018 Mister Model Universe Carlo Pasion, 2019 Mister Tourism and Culture Universe Yves Campos, reigning Runway Model Universe Junichi Yabushita, at reigning Man Hot Star International Jovy Bequillo.

Nakasalalay ang organsiasyon sa tagumpay na ito upang igiit ang reputasyon bilang mahusay at kapani-paniwalang tagapagsanay ng male pageant contestants, at upang magtiwala ang mga housemate ng academy na matatanggap nila ang mga pagsasanay na maihahanda sila sa pagsampa sa entabaldo. Ito ang unang pagbubukas ng Misters of Filipinas pageant ng isang academy para sa mga lalaking nagnanais bumandera sa pageantry.

Read more...