Anthony Mark Emocling kauna-unahang blind passer sa Bar exam

Anthony Mark Emocling kauna-unahang blind passer sa Bar exam

PINATUNAYAN ni Anthony Mark Emocling na walang pangarap ang hindi makakamit lalo na kung ito talaga ang kagustuhan ng iyong puso.

Ang binata kasi kauna-unahang bulag na nakapasa sa Bar Exam.

Si Anthony ay mula sa University of Baguio na nagtapos bilang cum laude at ngayo nga’y isa na ring Bar passer.

Sa kanyang panayam sa Bombo Radyo Baguio ay ibinihagi nito ang kanyang pinagdaanan habang inaabot ang kanyang pangarap.

Dahil nga wala siyang paningin, talaga namang sinikap ni Anthony ang mag-aral at aminadong para nga rin siyang dumaan sa butas ng karayom ngunit pinilit niya itong gawin dahil sa pangarap niyang maging abogado.

“Yung regular students nahihirapan na [sa pagkuha ng law degree], how much more in my situation.

“Yung time na ginagawa ng normal student, ginagawa ko at least twice the time para sumabay,” pagbabahagi ni Anthony.

Aniya, kailangan talagang magsakripisyo para maabot ang pangarap.

“Pinaglaban ko pa rin maski na maraming challenges and sobrang hirap sa law school and up to the bar exam,” lahad ni Anthony.

Baka Bet Mo: Tippy Dos Santos pasado sa 2022 Bar exams, ganap nang abogado

“Talagang you need to sacrifice. A lot of prayers, a lot of sacrifice [para] makapag-aral ng law and graduate,” dagdag pa niya.

Isa sa nagtulak kay Anthony para magpursige sa kanyang pag-aaral ay ang pagnanais nitong magbigay boses sa kapwa niya PWD (Persons with Disabilities).

“Gusto ko din sanang mag-practice ng human rights, for the rights of persons with disabilities. Kasi we are one of the marginalized sector[s] in the country.

“Nung naging visually impaired ako, there are a lot of challenges. And if I will be able to pass the exam [at] maging lawyer, my voice is stronger to advocate for a better future for fellow persons with disabilities,” sey ni Anthony.

Nang tanungin naman siya kung ano ang mga susunod niyang ganap ngayong isa na siyang abogado, nais niyang pumasok sa public service.

“Wala pa akong plans, pero hopefully I want to be engaged to public service din… to human rights and to apply my law degree to help other people,” sagot ni Anthony.

Labis naman ang pagka-proud ng kanyang dating propesor na si Ilocus Sur Mayor Pablito Sanidad Sr. sa kanyang dating estudyante na parte ng 3,992 passers sa 2022 Bar Exams.

“Congratulations Anthony Mark Dulawan Emocling!!! My blind student at the University of Baguio, School of Law, who against all the odds and despite being blind is now a Lawyer!” pagbabandera ng alkalde sa bagong achievement ng dating estudyante.

Related Chika:
8,241 pumasa sa 2020/2021 Philippine Bar exams

Read more...