GUMULONG na ang mga hamon ng Miss Universe Philippines pageant na nakatuon sa ganda ng mga kandidata, at nagpapatingkad sa ningning ng mundo ng pageantry. Ngunit pinaalalahanan ni Shamcey Supsup-Lee, national director ng organisasyon, ang mga kalahok at mga tagasubaybay ng patimpalak na may kaakibat pa ring mga responsibilidad ang titulo.
“I told the girls this, the moment they were announced to be official candidates, that this is a job. ‘Okay, you’re applying for a job and we’re looking for the best person who will fit the job. And if it’s a job, it’s a responsibility,” sinabi ni Lee sa Inquirer sa isang panayam sa press presentation ng mga kandidato sa Marquis Events Hall sa Bonifacio Global City sa Taguig City noong Abril 11.
Sinabi niyang kung mahirap man ang paghahanda para sa patimpalak para sa isang babae, magiging mas mahirap pa kapag nanalo na siya ng korona. “We want to have somebody who is a hard worker, who will be able to handle the schedules, the stress. It’s going to be one year, but it’s gonna be worth it,” pagpapatuloy niya.
Maliban sa kani-kaniyang paghahanda ng mga kandidata, isinailalim din sila ng organisasyon sa isang serye ng mga pagsasanay at seminar upang mahasa, hindi lang para patimpalak, kundi maging sa trabahong kaakibat ng korona. Maliban sa runway training at makeup and hairstyle workshops, nagsagawa rin ang organisasyon ng roundtable discussions kung saan tinalakay ng mga kalahok ang iba’t ibang mga paksa.
Dumalo rin ang mga kandidata ng Miss Universe Philippines sa financial literacy seminar at media training session. Inilahad din sa kanila ang mga ginagawang pagtulong ng organisasyon sa Save the Children Philippines at Autism Society of the Philippines.
“They’re totally different girls now. I saw them and I thought, ‘who are they?’ It’s so exciting, and we’re happy, the organization, because we also want their journey here in Miss Universe Philippines to be fruitful,” ibinahagi ni Lee. “It’s not just the crown that’s going to be the end goal, but for you to become a transformational woman, for you to become a better version of yourself,” dinagdag niya.
Sinabi ng national director na isang bagay na dapat na pinaghahandaan ang titulo bilang Miss Universe Philippines. “We’re looking for somebody who’s already mentally, emotionally strong to handle all the things that come with the crown. It’s really about the character,” ipinaliwanag ni Lee.
Isasalin ni Celeste Cortesi ang titulo sa tagapagmana niya sa 2023 Miss Universe Philippines coronation show sa Mayo 13 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Host ang mga Kapusong sina Alden Richards at Xian Lim, at dadalo rin sina reigning Miss Universe R’Bonney Gabriel at 2019 winner Zozibini Tunzi. Magtatanghal ang “American Idol” runner-up na si Jessica Sanchez at si Nam Woo-Hyun mula sa Kpop group na Infinite.