Jaclyn Jose nagdilang-anghel sa pagkapanalo ni Gladys Reyes bilang best actress sa 1st Summer MMFF; naloka sa P100k na tseke

Jaclyn Jose nagdilang-anghel sa pagkapanalo ni Gladys Reyes bilang best actress sa 1st Summer MMFF; naloka sa P100k na tseke

Coco Martin, Jaclyn Jose, Gladys Reyes at Brillante Mendoza

TAWANG-TAWA si Gladys Reyes na lumapit sa lamesa namin bago siya umuwi matapos manalong best actress para sa pelikulang “Apag” sa 1st Metro Manila Film Festival.

Napansin daw kasi talaga niya ang malaking tsekeng nagkakahalaga ng P100,000.

“Natawa nga ako sa sarili ko, e, kasi di ba? Bakit hindi, apat ang anak ko ‘no!” natatawang sambit nito sa amin.

Hirit namin, nagdilang anghel si Ms. Jaclyn Jose na magpagawa na siya ng gown dahil sure nang siya ang mananalong best actress.

“Oo nga, e, hindi naman gown itong suot ko, cocktail dress,” saad ng aktres.


Anyway, isa pang ikinatuwa ni Gladys ay may best actress trophy na rin siya tulad ng bestfriend niya for life na si Judy Ann Santos para sa pelikulang “Mindanao” ma entry sa 2019 Metro Manila Film Festival na si Direk Brillante Mendoza rin ang direktor.

Sabi niya, “Kailangan talaga, ganito, Mara Clara?! At least naman, may nakuha ang ‘Apag’ through me and forever grateful ako kay Direk Brillante.

Baka Bet Mo: Gladys emosyonal sa premiere night ng ‘Apag’, di nagpatalbog kay Coco: ‘Sana napanood talaga ‘to ng tatay ko’

“Imagine, siya ang nag-rebrand talaga sa akin. Gustung-gusto ko yung word na ‘rebrand’! Ha-hahaha!”

Balik-tanaw pa ng aktres ay nauna siyang mag-request na kunin siya ni direk Brillante sa mga pelikula nito, pero mas nauna nga si Juday sa “Mindanao.”

“E, kasi nga, Cabalen. Cabalen siya, naggi-guest siya sa Moments (talk show ni Gladys). Nag-usap kaming Kapampangan.

“Sabi ko, ‘Direk, dapat naman magkasama tayo…’ Nagulat ako nu’ng nalaman kong may Mindanao, hindi pa rin ako yun?


“Pero mas bagay sa akin itong Apag. Kapampangan ako. At siyempre, dedicated sa mga Kapampangan,” kuwento nito.

Ikalawang pelikulang Kapampangan ni Gladys ito nauna na ang “Magkakabaung” kasama si Allen Dizon at nanalo ang aktres sa Gawad Urian bilang best supporting actress.

“Gaya ng Apag, Kapampangan film ang Magkakabaung. So, may suwerte ako sa Kapampangan film,” aniya pa.

Natawa ring banggit ni Gladys, “Sinandwich ako ng Padilla!” Kasi nga naman tatlo lang silang nominado sa pagka-best actress, sina Kylie Padilla para sa “Unravel: A Swiss Side Love Story” at Bela Padilla para sa “‘Yung Libro Sa Napanood Ko.”

“Una talaga, inisip ko, napanood ko yung movies nila pareho, e, sabi ko, ‘Ay! Iba rin yung galing ng Kylie! Iba rin yung galing ng Bela!’”

Hirit namin kay Gladys nang banggitin niya ang pangalan ni Kylie ay hindi pumangit ang aktres sa movie, unlike sa kanya na talagang naiba ang itsura niya, “Ay oo, grabe itsura ko roon, sobra!” sambit sa amin.

Feeling ko yun ang isa sa mga nagpanalo kay Gladys na sobrang devastated ang itsura dahil nga sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Gladys Reyes may ibinuking tungkol kina Coco, Jaclyn, Sen. Lito at Direk Brillante

Ending ng Summer MMFF entry ni Coco Martin na ‘Apag’ shocking; Brillante Mendoza ibinuking si Aljur Abrenica

Read more...