Sharon super happy nang makapag-shopping sa LAX Hermes store, may pa-shoutout sa staff: ‘Ang bait nila, napabili pa ko tuloy ng iba!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Sharon Cuneta
TUWANG-TUWA si Megastar Sharon Cuneta sa naging shopping experience niya sa Hermès store na matatagpuan sa LAX (Los Angeles International Airport).
Pinuri ng actress-singer ang staff at mga empleyado ng nasabing luxury store dahil bukod sa mababait na ay magagalang pa raw ang mga ito.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Sharon ang mga litrato niya na kuha sa loob ng naturang store. Dito, talagang pinuri niya bang bonggang-bongga ang mga sales representative na nag-assist sa kanya habang nagsa-shopping sa LAX Hermès store.
Sey ni Mega sa caption, “Finally got my new Hermés belts (my 20+-year-old ones are still too tight! Pero lapit na…! – plus a few other things at The LAX Hermés store!”
Chika pa ng aktres, nang dahil sa mga super accommodating staff na kanyang nakilala roon ay naparami na naman ang mga nabili niya kabilang na riyan ang mga throw blankets at accessories.
“Ang bait nila, napabili pa ko tuloy ng iba! I’ve always loved their cashmere throws too so got myself a couple of new ones plus bracelets!” ang chika pa ng nag-iisang Megastar.
At in fairness, binanggit pa niya ang pangalan ng sales attendant sa LAX sa kanyang IG post, “Thank you to S.A. Miss Ivy for the great service!”
Ang mga hashtags na ginamit niya ay #hermeslax at #walanangisyuha! na ang tinutukoy ay ang na-experience niya sa isang security personnel ng Hermès store sa South Korea.
Matatandaang naging hot topic sa social media noong October, 2022, ang YouTube vlog ni Sharon tungkol sa umano’y pang-iisnab sa kanya sa Hermès boutique sa Shinsegae Department Store, Seoul, South Korea.
At dahil hindi siya pinapasok doon, sa kakumpetensiya nitong luxury brand ma Louis Vuitton siya namili nang bonggang-bongga.
Sabi ni Sharon, hindi naman siya nagalit sa staff ng Hermès dahil knows niya pinatutupad na protocol doon, “I know, of course, I know that you need an appointment with an Hermès boutique before you can go…
“Usually, pag konti lang naman ang clients sa loob, yung shoppers, sometimes they let you in…
“I really, truthfully, do not need anything more from Hermès that I don’t already have. So, hindi po ako na-offend. Naintindihan ko agad yung guard.
“Wala namang kinalaman yung guard, bakit naman sasama ang loob ko? Hindi rin ako nagyabang. Kaya sabi ko, ‘Yes, I cannot go (inside). Look, I bought everything.’ Ginanu’n ko lang siya, pero nakangiti ako,” paliwanag ni Mega.