P5M pondo ng SSS nilustay

KIBIT-balikat lamang ang sagot ng Malacañang sa ulat na 15 beses nang nagbiyahe sa ibang bansa si Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer (CEO) Emilio de Quiros Jr. mula noong 2010 at umabot sa P5 milyon ang kanyang nagastos dito.

Hirit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tanging si De Quiros lamang ang makasasagot sa akusasyon na ito.
“There are times that government officials are required to go out of the country on official business and I would leave it to him on how best to explain or how best to respond to those particular allegations,” ani Valte.

Idinagdag niya na hindi pa rin nakakausap ni Aquino si De Quiros kaugnay ng mga isyung kinakaharap ng SSS dahil kakara-ting lamang niya noong Huwebes ng gabi mula sa kanyang pagbisita sa Brunei at Indonesia.

“I will ask if he intends to talk to them or to ask them about this particular issue,” dagdag niya. Nauna nang binatikos ang SSS sa pagbibigay ng tig-P1 milyong bonus sa kanilang sarili sa kabila naman ng nakaambang pagtaas ng SSS contribution simula Enero sa susunod na taon.

Read more...