Solo lead hangad ng Letran vs San Sebastian


Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. JRU vs Lyceum
6 p.m. San Sebastian vs Letran
Team Standings: *San Beda (13-3); *Letran (13-3); *Perpetual (11-6); San Sebastian (9-6); EAC (8-8); JRU (6-9); Arellano (6-9); St. Benilde (5-10); Lyceum (5-10); Mapua (2-14)
* – pasok sa Final Four

PAIIGTINGIN ng Letran ang paghahabol sa unang puwesto sa pagsukat sa San Sebastian na nagnanais na selyuhan ang playoff sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Galing ang Letran sa 74-61 panalo sa Perpetual Help para sa ikatlong sunod na panalo at ang makukuhang tagumpay sa San Sebastian sa tagisang mapapanood dakong alas-6 ng gabi ay magreresulta para makakalas ang koponan sa pakikisalo sa San Beda sa unang puwesto sa 13-3 baraha.

Parehong may twice-to-beat na sa Final Four ang Letran at San Beda pero pinaglalabanan pa nila ang number one seeding na mahalaga sa crossover semifinals.

Ang Stags ay mayroong 9-6 baraha at nasa ikaapat na puwesto pero lalakas ang kanilang laban para umabante kung makukuha ang ika-10 panalo.

Read more...