Ang tibo na ba?

Sulat mula kay Elisa ng Barangay Manjagao, Surigao City
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako. Ang problema may kaibigan din akong tomboy at nang magtapat siya sa akin ng pag-ibig ay sinagot ko rin siya. Dalawa na sila sa buhay ko, isang tomboy at isang totoong lalaki kaya medyo naguguluhan ako.  Itatanong ko lang sana kung kami na ba ng boyfriend ko kahit hindi ko siya mahal o posible kayang kami ang habambuhay na magsasama ng tomboy na  karelasyon ko, kasi mas masaya ako sa kanya kapag kasama ko siya. Sino po ba sa kanilang dalawa ang panghabambuhay kong makakasama?
Umaasa,
Elisa ng Barangay Manjagao, Surigao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
“Wala kang makakatuluyan sa dalawang ka-relasyon mo sa ngayon” –  ang nais sabihin ng nagulo at nabiyak na unang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.), sa iyong palad. Ibig sabihin. bago ka makapag-asawa, dadanas ka ng dalawa at matinding kabiguan sa pag-ibig, ngunit ang ikalawang mas magndang Marriage Line (arrow 2.) ay nagsasabing sa ikatlong ka-relasyong paparating palamang ang siya mo ng makakatuluyan at makakasama habambuhay.
Cartomancy:
“May pagka-bakla o mahinhin kumilos ang lalaking mapapangasawa mo na magaganap sa panahong kapwa na nawala ang ka-relasyon mo sa ngayon”  – ang nais namang sabihin ng Two of Clubs, Eight of Hearts at Jack of Clubs.
Itutuloy….

Read more...