Chiyo dela Vega dedma sa bashers, nag-post ng inspirational message sa kababaihan | Bandera

Chiyo dela Vega dedma sa bashers, nag-post ng inspirational message sa kababaihan

Therese Arceo |April 01,2023
facebook
share this

Chiyo dela Vega dedma sa bashers, nag-post ng inspirational message sa kababaihan

Therese Arceo - April 01, 2023 - 05:25 PM

Chiyo dela Vega dedma sa bashers, nag-post ng inspirational message sa kababaihan
WAPAKELS ang Cebu-based personality na si Chiyo dela Vega sa kabila ng pagkakadawit niya sa mag-asawang sina John Estrada at Priscilla Meirelles.

Sa mga nagdaang araw kasi ay naging maingay ang pangalan ng dalaga dahil diumano, ito raw ang pinatutungkulan ng asawa ng aktor sa kanyang mga Instagram stories.

Imbes na sagutin ang mga isyung ipinupukol sa kanya, mukhang mas pinili na lang ni Chiyo na maging positibo sa kasagsagan ng kontrobersiyang kinasasangkutan.

Aniya, “HAVE A BLESSED DAY [heart emoji]. Sometimes happiness looks like staying home, cancelling plans, listening to a guided meditation, ignoring several text messages and doing you,” pagbabahagi niya sa kanyang Instagram story.

Bukod pa rito ay may IG story rin si Chiyo ng kanyang selfie kalakip ang mensahe ng kanyang paghanga sa kanyang followers sa social media.

“You females on my feed are so freaking gorgeous, bunch of queens [smile, raising hands emojis]” sey pa ng Cebu-based influencer.

Kahapon rin ay may mga IG posts si Chiyo na may mga makahulugan gaya ng “calm is power” at “Do not let the behavior of others destroy your inner peace.”

Baka Bet Mo: John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!’

Nagsimulang madamay ang Cebu based-personality matapos kumalat sa social media ang diumano’y screenshot ng usapan nila ni Priscilla sa Viber na siya mismo ang nag-post.

Caption ni Chiyo, sa wikang Bisaya, sa burado na niyang post: “hoy ante abe nakog okay nata…. igo ramn ko nitilaw gd kaisa rajd very light rajd kaayu to ay wala nako muusab kay way lami” na ang tagalog translation ay “hoy auntie, akala ko okay na tayo… tumikim lang ako isang beses, very light nga lang, hindi na ako umulit kasi hindi masarap”.

Base naman sa mga screenshot ng messages ay makikitang tinawag ni Priscilla ang pansin ng babae dahil sa naging palitan nila ng mensahe ni John.

Nagpakilala pa nga siya bilang asawa ng aktor kay Chiyo sabay sabing “I came across a viber conversation between the 2 of you that it is not appropriate. You know he is married right? That’s how I got your #.”

Agad namang binura ni Chiyo ang kanyang post ngunit mabilis ang mga netizens at nakuhanan siya ng resibo.

Ayon naman sa eksklusibong panayam ng PEP.ph ay inamin ni Priscilla na kasalukuyan silang may pinagdaraanang problema ng asawa.

“I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons. And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako,” saad ng beauty queen.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni John at Chiyo hinggil sa kontrobersiyang kinasasangkutan.

Related Chika:
Priscilla Meirelles umalma sa pagdawit sa kanya sa hiwalayan, pinatatamaan sa IG stories natunton ng netizens?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending