Shaina malaki ang tiwala kay Coco, secret manager daw niya: ‘Alam kong hindi naman niya po ako ipapahamak’

Shaina malaki ang tiwala kay Coco, secret manager daw niya: 'Alam kong hindi naman niya po ako ipapahamak'

Coco Martin at Shaina Magdayao

MASARAP daw maging kaibigan si Coco Martin dahil kapag may mga karakter na puwede para sa mga programa niya ay ginagawan niya ng paraan para maipasok at bukod dito ay siya pa mismo ang magrerekomenda sa ibang direktor.

Lagi naman itong sinasabi ni Coco na kahit hindi gaanong magaling umarte basta’t may disiplina tulad ng maagang dumating sa set, handa ito sa kanyang mga gagawin at higit sa lahat ay hindi pasaway, ay mamahalin ka niya.

Kaya hindi nawawala sa projects niya sina Smuglazz at Bassilyo na talagang hindi pinasakit ang ulo ng aktor, direktor at producer.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil si Shaina Magdayao ang napili ni Coco na maging leading lady para sa pelikulang “Apag” at inirekomenda niya talaga ang aktres kahit ilang eksena lang.


Nagkasama sina Coco at Shaina sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na ang kuwento ng dalaga ay dalawang linggo lang siya sa serye bilang guest na umabot na sa dalawang taon kaya sobrang pasalamat niya sa aktor.

Kuwento ni Shaina sa mediacon ng “Apag” na ginanap sa SM City The Block, “Kaya po ako naging parte ng film na ‘to ay dahil kay Dodong, kay Coco. Opo, dahil po du’n.

“Magkasama kami sa Probinsyano, and actually, ilang shows na rin naman ang pinagsamahan namin,” anang aktres.

Baka Bet Mo: Gerald, Shaina, Zanjoe, Ronnie, Sam binalikan ang mga bonggang ganap sa kanilang showbiz career

Dagdag pa niya, “Sa Probinsyano gaya po ng lahat ng kuwento ko, hindi lang po namin siya direktor, location manager din po namin siya, producer, casting director.”

Nakakabilib din si Coco, paano kaya niya nagagawa ang lahat ng iyon, buti nakakapag-concentrate pa siya sa pag-arte niya kung lahat iniisip niya?

“Secret manager ko po kasi ‘to. Siguro dahil sa friendship din po namin, ‘yung tiwala ko po sa kanya at ‘yun nga po, sa mabuting pagkakaibigan namin kaya alam kong hindi naman niya po ako ipapahamak.

“Kapag sinabi niya na maganda po ‘yung role at maganda po ‘yung proyekto, tatanggapin ko. At hindi naman niya ako binibigo pa at sana, hindi niya pa ako biguin,” natawang sabi ng aktres.

Abut-abot din ang pasalamat ni Shaina kay Direk Brillante Mendoza na isinama siya sa “Apag” na entry ng Center Stage Productions at Hongkong International Film Festival Society mula sa direksyon ni Brillante Mendoza mula sa panulat ni Arianna Martinez ngayong 1st Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Abril 8.

Ending ng Summer MMFF entry ni Coco Martin na ‘Apag’ shocking; Brillante Mendoza ibinuking si Aljur Abrenica

Shaina 2 buwan lang sana sa ‘Ang Probinsyano’ pero hindi na tinanggal ni Coco

Read more...