Angelica Panganiban may paalala sa kapwa mommies: 'Wag kalimutan ang sarili | Bandera

Angelica Panganiban may paalala sa kapwa mommies: ‘Wag kalimutan ang sarili

Therese Arceo |March 28,2023
facebook
share this

Angelica Panganiban may paalala sa kapwa mommies: ‘Wag kalimutan ang sarili

Therese Arceo - March 28, 2023 - 08:52 PM

Angelica Panganiban may paalala sa kapwa mommies: 'Wag kalimutan ang sarili

ISANG paalala ang ibinahagi ng beteranang aktres na si Angelica Panganiban para sa kanyang mga kapwa mommies.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost niya ang mirror picture nila ng kanyang anak na si Baby Bean habang buhat-buhat niya ito.

Sa kanyang caption ay ipinaalala ni Angelica na kahit maraming ginagawa at iniisip ang mga nanay gaya niya ay hindi dapat pabayaan ang sarili.

“Reminder to check on yourself once in a while. Tayong mga momsies, marami na tayong iniisip at inaalagaan. ‘Wag kalimutan ang sarili,” saad ng aktres.

Dagdag pa ni Angelica, “Lalo na at summer naaaaa, ‘wag hayaang mahulas ka ng ganun ganun na lang.”

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Marami naman ang nakapansin sa pagpayat ng aktres matapos ang kanyang pagdadalangtao sa kanilang panganay na anak ng fiance na si Gregg Homan.

Kasabay naman ng pagpuri sa figure ni Angelica ay ang pagpuri at pagkagigil ng mga netizens sa cuteness ni Baby Bean.

“Cutie talaga ng babylove na yan! And Angge has the prettiest. Never tumanda ang face grabe!” saad ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Comment naman ng isa, “Wow ang payat mo na agad Miss Angelica!”

“Ang sexy mo na Miss Angge. Napaka disente mong tignan lalo kang gumanda. Ang cute ng baby mo. Dahil lagi kayong masaya, magiging masiyahin rin si baby,” sey pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan noong Setyembre 2022 nang isilang ng aktres si Baby Bean o Amila Sabine Homan at last month lang nang maganap ang binyag nito na tila naging star-studded event dahil sa mga dumalong malalapit na kaibigan ni Angge gaya nina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Bela Padilla, Cherry Pie Picache, Glaiza De Castro, John Prats, Isabel Oli, Ketchup Eusebio, at marami pang iba.

Related Chika:
Angelica Panganiban nawindang sa biniling swimsuit: P7k ‘yung amount pero pinababayaran ng P8,211

Angelica Panganiban ‘naloka’ sa pagiging clingy ni Baby Bean: Ngalay na ngalay po tayo ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending