Kulot naiyak sa 'Showtime', payo ng concerned netizen: 'Please consult a child psychologist' | Bandera

Kulot naiyak sa ‘Showtime’, payo ng concerned netizen: ‘Please consult a child psychologist’

Therese Arceo |March 28,2023
facebook
share this

Kulot naiyak sa ‘Showtime’, payo ng concerned netizen: ‘Please consult a child psychologist’

Therese Arceo - March 28, 2023 - 04:53 PM

Kulot naiyak sa 'Showtime', payo ng concerned netizen: 'Please consult a child psychologist'

MARAMI sa mga madlang pipol ang naapektuhan matapos mapanood ang segment na Isip Bata ng “It’s Showtime” kung saan naging emosyonal ang isa sa mga batang si Kulot nitong Lunes, March 27.

Habang kausap kasi siya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ay hindi nito napigilang maiyak nang mapag-usapan ang kanyang ama.

Si Kulot ay isa sa mga “Batang Cute Po” na siyang parte ng Isip Bata segment.

Napag-alaman kasi ni Vice Ganda na nasa Showtime studio ang kanyang ama kaya naman naging topic nila ito ng bata. Tinawag pa nga ng main host ang ama nito para interbyuhin.

Matatandaang nag-viral noon si Kulot sa unang araw ng segment matapos nitong ikuwento on national TV ang pagkakaroon ng ibang kausap na babae ng kanyang ama.

Hiningian naman ng mensahe ni Vice ang bata dahil kasama pala nito ang kanyang tatay na nakilala bilang si Tatay Joel.

“Tay, magpakabait na, sa susunod Tulfo na,” pabirong saad ni Kulot.

Natanong pa nga ni Vice kung may ka-text pa rin ba ang kanyang ama na siyang nasasaksihan pala ng bata.

Maya-maya ay mapapansin na tila naiiyak na si Kulot kahit pa pabiro ang mga sagot nito kaya tinanong siya kung bakit tila naiiyak na siya.

Dito ay tila inihayag na ng bata ang kanyang matagal nang saloobin sa ama.

“Kasi po hindi pa rin [matigil] ang pag-text… Madami pa rin pong ka-text yan,” sey ni Kulot.

Nang sabihin ng mga host na baka katrabaho lang ay napatanong ito kung bakit pambabae ang pangalan.

Baka Bet Mo: Banat ni Vice sa basher ng MMFF entry nila ni Ivana: Walang mali sa kulot, ang mali ay yung ang nega, nega, nega mo!!

Aminado naman si Kulot na mahal pa rin niya ang ama bagamat hindi niya ito sinasabi sa ama.

Nang tanungin kung bakit ay tila nais mag-change topic ito at sinasabing may barik (o inom) upang hindi na pag-usapan. Makikitang kahit nakangiti ay lumuluha na ang bata.

Kahit noong sabihan siya na sabihan ang ama ng “I love you” ay hindi ito ginawa ni Kulot at iniwasan ang topic na ito.

Maging si Anne Curtis nga ay naging emosyonal sa pinagdaraanan ng bata.

“Kulot, alam ko na ito na ang gusto mo. Sana hindi ka magbago. Sana hindi ka makalimot sa mga taong tumulong sa ‘yo kung bakit nandito ka ngayon… Basta lagi mong tandaan, mahal na mahal ka ni Daddy,” sey ng kanyang ama.

Marami naman sa mga netizens ang naiyak at naapektuhan sa pagiging emosyonal ni Kulot at ramdam na ramdam ang sakit na nadarama ng bata.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by It’s Showtime (@itsshowtimena)

“Grabe nakakaluha. ang bata talaga ang naapektuhan. mag bago kana sana tatay joel,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kawawa naman d ko rin napigilan umiyak sa murang edad sobra cyang nasasaktan pero nagagawa pa rin nyang magbgay ng aliw sa mga tao at isa na ako dun…mahal na mahal ng Diyos ang mga bata kaya ikaw Kulot pagpapalain ka ni Lord basta manatili kang mabuting tao hanggang pagtanda mo.”

Isang psychologist naman ang nagbigay ng kanyang obserbasyon sa trending video ng bata sa social media.

“Dear It’s Showtime and ABS-CBN, I have been seeing video clips of a child crying on national TV because you were openly discussing family conflict in your show. While the intention was good, I think doing this has serious repercussions on the child’s mental health and well-being,” saad nito na ang tinutukoy ay ang pag-uusap nila Vice at Kulot ukol sa diumano’y pakikipag-text ng ama sa ibang babae.

Pinuna rin nito ang pagpilit ni Vice sa bata na magsabi ng “I love you” sa ama kahit na iniwasan na ito ng bata.

“You should also not force a child to say I love you to a family member especially if she has expressed that she’s not comfortable doing it. Please consult a child psychologist so you are aware of the consequences of your actions when you are working with children,” dagdag pa nito.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang pamunuan ng “It’s Showtime” hinggil sa naging aksyon ng mga ito sa sitwasyon ni Kulot na umere sa national TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas naman ang BANDERA para sa pagayag ng kampo hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Deniece Cornejo may patutsada sa pagbabalik ni Vhong sa ‘It’s Showtime’: #RhymesWithWrong

Kim Chiu mas pinapaboran daw ng mga bossing sa ‘It’s Showtime’ kaya naeetsapwera si Karylle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending