Toni Gonzaga buntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko | Bandera

Toni Gonzaga buntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko

Reggee Bonoan |March 28,2023
facebook
share this

Toni Gonzaga buntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko

Reggee Bonoan - March 28, 2023 - 02:49 PM

Toni Gonzaga buntis sa 2nd baby nila ni Paul Soriano, pero ayaw munang ibandera sa publiko

KUMPIRMADONG buntis si Toni Gonzaga – Soriano pero ayaw daw muna itong isapubliko.

Matatandaang may mga haka-hakang buntis ang maybahay ni Direk Paul Soriano pero wala pang pag-amin mula sa kampo ng mag-asawa.

At maging sa ang mga magulang ng TV host-actress-producer na sina Daddy Bono at Mommy Pinty Gonzaga ay tikom din ang bibig.

Pati ang kapatid niyang si Alex Gonzaga-Morada na ubod ng daldal at taklesa ay himalang tahimik din.

Anyway, sabi ng aming source, “Wala pang planong ilantad na buntis si Toni, pati kung ilang buwan ay hindi rin sinabi siguro may hinihintay na perfect time, saka baka kasi ma-stress pag isinapubliko na nila. Alam mo naman ang netizens baka kung ano lang ang masabi.”

May point din naman ang aming source at pasasaa’t aamin din sila. Tanda namin nang huli naming ma-interview si Toni sa Winford Hotel, Manila noong 2022 para 20th anniversary concert niya na naganap noong Enero, 2023 ay tinanong namin kung kailan nila planong sundan si Seve at mabilis niya kaming sinagot ng, “Baka next year.”

Tsinek namin ang YouTube channel ni Toni at napansin naming may pagkakaiba sa mga dati niyang shots na dati-rati ay naka-light colors siyang damit at kinukunan siya nang malayuan habang naglalakad.

Pero sa huling vlog niya kay Hazel Chefy ay naka-black dress siya at parating half-body lang ang kuha at kinunan lang ng wide shot nang pareho na silang nakaupo ng kakapanayamin niya.

At dahil nakaupo si Toni at naka-black dress pa kaya hindi halata ang kanyang tummy kung lumaki o hindi. Pero kung naka-light color siya makikita siguro na may pagbabago lalo’t alam naman ng lahat kung gaano kanipis ang katawan nito.

Binabati na namin in advance ang mag-asawang direk Paul at Toni para sa kanilang second baby.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga umaming hindi rin perfect ang pagsasama nila ni Paul: Parang cooking lang yan…

* * *

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)

Isang palabang ex-girlfriend ang bagong panggigigilan ng mga manonood sa pagpasok ng karakter ni Elisse Joson sa Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Gagampanan ni Elisse si Sophie Madrigales, ang ex-girlfriend ni Aidan (Zanjoe Marudo) na determinadong makuha muli ang kanyang pagmamahal. Dahil dito, magsisilbing tinik sa buhay ni Mila (Janine Gutierrez) si Sophie dahil unti-unti na sanang nakukuha ni Mila ang loob ni Aidan para sa plano niyang paghihiganti sa pamilya nito.

Sa isang interview sa “Kapamilya Chat” kamakailan, ikinuwento ng aktres na natutuwa siyang mapabilang sa isang kapanapanabik na kwento kasama ang mahuhusay na co-stars.

“I was really excited kasi ang tagal ko ding hindi gumawa ng teleserye. Nandoon ‘yung gustong-gusto kong magtrabaho ng panibagong gagampanan. ‘Yung kaba rin is always going to be there pero ‘yung kabang masaya,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Elisse na dapat abangan ng mga manonood ang iba pang pasabog na rebelasyon, kabilang na rito ang masalimuot na sikreto ng kanyang karakter.

“There’s so much more in Sophie na magugulat kayo. I’m excited to watch din kung paano mag-uunfold ‘yung story ni Sophie, kung ano ‘yung dala niyang bagsik,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya Network.

Related Chika:
Hirit ni Alex kay Toni pag may away sila ni Paul: Iwan mo na ‘yan, turuan mo ng leksyon!

Toni Gonzaga sa pagkanta ng ‘Lupang Hinirang’ sa inagurasyon ni Bongbong Marcos: I am truly honored and humbled…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending