MELAI, JASON nag-seminar na para sa nalalapit na kasalan

Ang isa pang host ng I Dare You na si Melai Cantiveros ay nasa Gen. Santos City pala ngayon dahil naghahanda na sila ni Jason Francisco para sa kasal nila sa December.

Ang balita namin, kahapon ay sumailalim na sila sa isang series of seminar sa kanilang barangay bilang bahagi ng pagkuha nila ng marriage license. Balak nila ni Jason na magpakasal sa Gen. Santos para makadalo ang lahat ng pamilya niya.

Tinutulungan naman si Melai ng mga kaanak niya sa nasabing probinsiya sa pag-aasikaso ng iba pang dokumento na kailangan nila ni Jason para sa kanilang nalalapit na kasal.

Mahigit dalawang buwan nang buntis si Melai at sinasabing medyo delikado ang kalagayan nito kaya kailangan niyang magpahinga nang todo, hindi lang namin sigurado kung bawal talaga siyang magtrabaho dahil kahit sa presscon ng I Dare You ay hindi siya nakapunta.

READ NEXT
Read more...