DEAR Aksyon Line:
Ako po si Marites Rontas ng Meycauayan, Bulacan. Mayroon lang po sana akong gustong itanong sa PhilHealth in-behalf of my brother. Last week po, aksidenteng nadulas ang ka-patid ko habang naka-duty. Noong ipasuri nya sa doktor ang paa nya, ang sabi sa kanya ay kailangan daw ope-rahin. Gusto ko po sanang itanong sa PhilHealth kung covered ba itong klase ng operas-yon sa paa (may napunit na ugat sa paa) ng kapatid ko. May babayaran pa po ba sya?
Kung mayroon po, ilang percent lang ang covered ng PhilHealth? Anu-anong klase ng o-perasyon ang sakop ng PhilHealth? Sana po ay mabigyan ng kasagutan ang agam-agam na ito ng kapatid ko.
Lubos na
nagpapasalamat,
Marites
REPLY: Dear Ms. Marites:
Pagbati po mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na ang operasyon o procedure, maging ito ay isinagawa sa pamamagitan ng outpatient o inpatient, ay sakop ng ating programa.
Kinakailangan lamang po na PhilHealth accredited ang pasilidad na magsasagawa ng o-perasyon at ang miyembro ay may aktibong kontribusyon upang ang kaso po ay mabayaran ng PhilHealth.
Bagama’t sa ngayon po ay hindi natin masasabi kung sa anong case type mapapabilang ang nasabing operasyon upang malaman natin kung magkano ang posibleng masakop ng PhilHealth. Ang pagbabayad po ng PhilHealth para sa mga ganitong kaso ay naaayon sa benefit schedule base sa kate-gorya ng ospital at case type ng sakit. https://www.philhealth.gov.ph/members/employed/coverage.html#?w=640
Maaari po ninyong itanong sa duktor kung ano ang eksaktong procedure na isasagawa
upang ma-classify natin ang sakit at makapagbigay kami ng posibleng maximum benefit na maaaring ibayad ng PhilHealth.
Maraming
salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!