MAY bagong milestone ang sikat na Canadian singer-songwriter na si The Weeknd!
Opisyal siyang kinilala bilang “world’s most popular artist” ng Guinness World Records.
Ayon pa sa Guinness, walang makakapantay sa kasikatan ng singer at tanging ang namayapang si Michael Jackson lamang ang musician na nakaabot ng kaparehong titulo.
“Abel Tesfaye, more commonly known as The Weeknd, is statistically the most popular musician on the planet, and no one else even comes close,” saad sa website.
Bukod diyan ay ibinandera din nito ang dalawang bagong world titles – ang “most monthly listeners on Spotify” na umaani ng 111.4 million at ang “first artist to reach 100 million monthly listeners on Spotify.”
Unang nakakuha ng world record si The Weeknd noong 2016 na kung saan siya ang hinirang na “most streamed album on Spotify.”
Baka Bet Mo: Ariana Grande, The Weeknd maglalabas ng collaboration song
Buwan-buwan ay mayroong mahigit 30 million listeners si The Weeknd.
Kasunod niya riyan ang American singer na si Miley Cyrus, Columbian singer na si Shakira, at pop stars na sina Ariana Grande at Taylor Swift.
Related Chika:
Kalinga province nakakuha ng 2 titulo sa ‘Guinness World Records’