Yumaong action star na si Rudy Fernandez ipinaampon daw ng mga tunay na magulang, Lorna Tolentino nagsalita na! | Bandera

Yumaong action star na si Rudy Fernandez ipinaampon daw ng mga tunay na magulang, Lorna Tolentino nagsalita na!

Ervin Santiago |March 23,2023
facebook
share this

Yumaong action star na si Rudy Fernandez ipinaampon daw ng mga tunay na magulang, Lorna Tolentino nagsalita na!

Ervin Santiago - March 23, 2023 - 07:02 AM

Yumaong action star na si Rudy Fernandez ipinaampon daw ng mga tunay na magulang, Lorna Tolentino nagsalita na!

Rudy Fernandez at Lorna Tolentino (Photo from Facebook)

NAGSALITA na ang premyadong aktres na si Lorna Tolentino tungkol sa chikang ampon daw ang yumao niyang asawa na si Rudy Fernandez.

May kumakalat kasing tsismis na adopted daw si Daboy base na rin sa panayam ng isang babeng taga-Cotabato na nagsabing bunsong kapatid daw nila ang matagal nang patay na action star.

Sabi sa ulat ng Brigada News FM Butuan, isang Teodola Galacio na 85-taong gulang na ngayon ang nagsabing kapatid nila si Rudy at ipinaampon ito ng kanilang mga magulang dahil sa hirap ng buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez)


Sa report ng “Fast Talk with Boy Abunda”, binigyang-linaw naman ang isyu sa pamamagitan ng mensaheng ipinadala ni Lorna sa programa. Sa segment na “Today’s Talk” binasa ni Tito Boy ang message ni LT.

Baka Bet Mo: Piolo Pascual damay sa isyu ni Rudy Baldwin?

Sinabi ng veteran actress na walang katotohanan ang sinabi ni Teodola. May mga dokumento raw si LT na magpapatunay na hindi inampon si Daboy.

“Nakakahiya naman na sagutin pa si lola na lahat ng legal documents ay meron si Daboy. Proof na talagang Padilla-Fernandez at baby pictures. Ate Merle is kuya Rudy’s eldest sister,” paglilinaw ni Lorna.

Namaalam si Rudy noong June 7, 2008, sa edad na 56. Ang mga magulang ni Daboy ay ang film director na si Gregorio Fernandez at si Pilar Padilla na parehong tubong-Lubao, Pampanga.

Lolit Solis napa-throwback nang mabalitaan ang isyu ni Will Smith: Ganoon rin ang nangyari kay Rudy Fernandez

Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending