Indian doctor natumbok na kung saan nanggagaling ang mga allergy ni Kris Aquino, paniniguro ni Cristy Fermin: 'OK na OK na siya ngayon!' | Bandera

Indian doctor natumbok na kung saan nanggagaling ang mga allergy ni Kris Aquino, paniniguro ni Cristy Fermin: ‘OK na OK na siya ngayon!’

Reggee Bonoan |March 22,2023
facebook
share this

Indian doctor natumbok na kung saan nanggagaling ang mga allergy ni Kris Aquino, paniniguro ni Cristy Fermin: ‘OK na OK na siya ngayon!’

Reggee Bonoan - March 22, 2023 - 09:05 PM

Indian doctor natumbok na kung saan nanggagaling ang mga allergy ni Kris, paniniguro ni Cristy Fermin: 'OK na OK na siya ngayon!'

Kris Aquino

ROAD to recovery na ngayon ang Queen of Social Media na si Kris Aquino base sa ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika na kaka-upload lang sa YouTube.

May kaibigan ang batikang manunulat at host na hindi niya pinangalanan na nagkuwentong natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris courtesy of an Indian doctor named Sudhir Gupta.

Ito’y isang “specialist in allergy and immunology” na naka-base sa Orange County, Southern California, USA.

Matatandaang ang huling post ni Kris sa social media ay noong ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa inuupahang airbnb na katapat ng beach na inilarawan niyang “excellent location for fresh sea air, at beautiful view ng dagat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Nabanggit ding magsisimula siya ng kanyang 1st cycle treatment bago matapos ang buwan ng Pebrero na nangyari na nga.

At ang ibinalita nga ni ‘Nay Cristy, “May nagbalita po sa aming kaibigan na natumbok na kung saan nanggagaling ang allergies ni Kris Aquino dahil nandoon na siya ngayon kay Dr. Sudhir Gupta.

“Ito ‘yung Indian doctor na talaga pong dinadayo ng lahat ng mayayaman sa buong mundo at ang expertise po niya talaga ay tungkol sa mga allergiesm auto-immune disease at mag-ama pala ito na ito ang linya. Napakaganda na raw po ng kundisyon ngayon ni Kris Aquino,” ayon sa batikang manunulat.

“Naku, salamat naman at maganda ang balita natin,” sabi ni Romel Chika na inoohan din ni Wendell.

Dagdag pa niya, “At paganda nang paganda at sana bago matapos ang taon kapiling na natin si Kris Aquino.”

“Oo, kasi si Doc Sudhir Gupta sikat na sikat poi to, ‘yung mga nagpuntang pasyente na napagaling niya, siyempre word of mouth ‘yan, di ba? Hindi ba’t ito ‘yung (sakit ni Kris) na mahirap ma-trace noon pa” saad ni ‘Nay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Sabi kaagad ni Wendell, “Oo ang dami na niyang pinagdaanang hospital noon pa sa Singapore, dito pa sa Pilipinas tapos dinala pa sa Houston, Texas.”

“Ito ‘yung sinabi niya (Kris) sa letter niya sa nakaraang post tungkol kay Tita Cory (Aquino) na (inaantay niya) ang schedule at nagkaroon nga po ng pagkakataon talaga na nagkita na po sila ni Dr. Gupta,” sabi pa ng “SNN” host.

Baka Bet Mo: Christine Bersola isinugod sa ospital matapos lumafang ng pancake: ‘Wala akong kalaban-laban…’

Umabot daw noon sa lima ang auto-immune ni Kris at dahil nasa pangangalaga na siya ni Dr. Gupta ay posibleng pababa na ito.

“Iyong auto-immune disease na pinoproblema dito lamang pala (mati-trace). Alam n’yo, totoo ‘to, mayroon kaming kaibigan ni Wendell na milyonaryo na napakatagal na panahon nang nagpapagamot dito sa Pilipinas, nagpunta na rin ng Amerika, nagpunta ng Europa, at Singapore pero hindi talaga ma-trace kung saan nagmumula ‘yung kanyang sakit.

“Alam mo three months na sila sa New Delhi (capital of India), Indian doctor din, alam mo nagpapalakas na lang ang ating pasyente doon kaya kami ay natutuwa para kay tita Weng (Jumanji).

“Ibang klase raw ang mga Indian doctor, iba ang gamutan. Kung baga sa pagsasalita, real talk at sa katotohanan lang. Tapos ‘yung mga gamot pagkapapakla, pagkapapait at talaga namang at hindi mo malaman kung paano mo lulunukin,” kuwento ni Nanay Cristy.

Nasabi rin ng “SNN” hosts na kung ang mga nasabing gamot ang dahilan para gumaling ay titiisin nila ang pakla at pait na ipapainom sa kanila.

Sabi pa ng kaibigan ni Nay Cristy, “Okay na okay na si Kris Aquino ngayon hindi siya tulad ng dati na nanghihina, marami siyang pekas-pekas (pasa-pasa) sa buong katawan. Dalawa ba namang magagaling na espesyalistang mag-ama ang tumitingin sa kanya.”

Get well soon, Kris!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’

RK humingi ng tulong dahil sa allergy; Mega rumesbak sa basher na nagsabing steak lang ang bet n’ya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending