HANDA ang pamahalaan sakaling matuloy ang bantang ban ng Hong Kong laban sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), giit ni Pangulong Aquino.
Isinusulong ng mambabatas sa Hong Kong na si Albert Chan na ipagbawal na ang mga OFWs sa kanilang lugar dahil sa pagmamatigas umano ni Aquino na humingi ng paumanhin sa naganap na masaker sa ilang Hong Kong nationals sa Luneta noong 2010.
“May kalayaan silang desisyunan kung ano ang gusto nila sa lipunan nila. At kung pabalikin ang mga trabahador natin ay palagay ko naman nakahanda rin ang DOLE (Department of Labor and Employment),” ani Aquino sa isang panayam sa Brunei.
Matatandaang sa pakikipagpulong ni Aquino sa Chief Executive ng Hong Kong na si Leung Chun-ying sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa Bali, Indonesia kamakailan ay tumanggi ito na humingi ng tawad sa mga taga-Hong Kong dahil ang masaker umano ay kasalanan lamang ng isang tao.
Todo-tanggi naman ni Aquino na hinahamon niya ang Hong Kong sa kanyang naging pahayag. “Ngayon, kung sasabihin naman parang hinahamon ko sila, hindi ko sinasabi ‘yon,” aniya.
Aquino dedma sa ban vs OFW ng Hong Kong
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...