Jak Roberto sa pakikipag-date kay Klea Pineda: 'Ikaw ha, baka pinag-eksperimentuhan mo lang ako' | Bandera

Jak Roberto sa pakikipag-date kay Klea Pineda: ‘Ikaw ha, baka pinag-eksperimentuhan mo lang ako’

Ervin Santiago |March 22,2023
facebook
share this

Jak Roberto sa pakikipag-date kay Klea Pineda: ‘Ikaw ha, baka pinag-eksperimentuhan mo lang ako’

Ervin Santiago - March 22, 2023 - 07:15 AM

Jak sa pakikipag-date kay Klea na umamin na ngang lesbian: 'Ikaw ha, baka pinag-eksperimentuhan mo lang ako'

Jak Roberto at Klea Pineda

IBA’T IBA ang naging reaksyon ng netizens nang ibandera ng proud LGBTQIA+ member na si Klea Pineda ang mga Kapuso actor na na-involve sa kanya.

Matapos umamin na isa siyang lesbian, sinubukan din naman daw niyang makipag-date sa mga lalaki. At kabilang na raw diyan ang mga nakatrabaho niya sa GMA — sina Jak Roberto, Jeric Gonzales at Andre Paras.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, ibinahagi nga ni Klea na nag-try din siyang pagbigyan ang mga lalaking nanligaw sa kanya pero talagang hindi ito nag-work.

“May time Tito Boy na talagang nag-try talaga ako. Siyempre nandoon ‘yung baka puwede pa.

“Siguro mga three or four guys ang na-date ko pero dating lang never po umabot sa relationship kasi hindi talaga Tito Boy kasi ‘yung happiness sobrang kulang,” pagbabahagi ng aktres.

Ngunit paglilinaw ng dalaga, “Hindi naman sa sinasabi ko na hindi ako sumaya na nakipag-date ako sa guys na ‘to pero may kulang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrice Kierulf (@katricekierulf)


“Hindi mo ma-pinpoint kung alin pero may kulang pero whenever makikipag-date ako sa girls or magkakaroon ako ng girlfirend, iba ‘yung saya ko,” lahad pa niya.

Matapang na pinangalanan ni Klea ang mga lalaking naka-date niya noon, “After StarStruck nandiyan kaagad si Jak Roberto.

Baka Bet Mo: Klea Pineda inatake ng depresyon dahil sa body shaming: Humahanap sila ng butas para hilain ka pababa

“Ilang months din kaming nag-date ni Jak, Tito Boy, ilang months din and umabot din sa point na ipinakilala ko rin siya sa family ko,” sabi ni Klea.

“Second, ‘yung naka-loveteam ko si Jeric Gonzales, and third, sasabihin ko ba ‘yung third? Hindi official na nanligaw, or nag-try pero lumabas kami many times, si Andre Paras,” ang pag-amin pa ng Kapuso star.

Sa tanong ni Tito Boy, “Sino ang pinakamalambot ang lips?”

“Oh, my God sa lips? Si Andre,” ang tila nahihiya pang sagot no Klea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrice Kierulf (@katricekierulf)


Pagpapatuloy pa niya, “Open ako kay Andre about my sexuality, and nagkakaroon ako ng girlfriend. Hindi naman ako naka-feel sa kaniya ng kahit anong judgment and bihira lang ‘yung guy na kapag nalaman nilang ganu’n na walang negative reactions.”

“Si Jak lately niya lang nalaman, sabi niya, ‘Ikaw baka pinag-eksperimentuhan mo lang ako,’ something like that tapos sabi ko, ‘Sorry Jak, tinray ko talaga pero sorry,” natatawang rebelasyon ni Klea.

“Hindi ko nasabi kay Jeric directly pero alam ko na alam niya, pero wala rin naman akong na-feel na dinisrespect niya ako or what,” sabi pa ng aktres na napapanood ngayon sa GMA Afternoon Prime series na “AraBella.”

Ayon naman sa mga netizens, bilib sila sa tapang at pagpapakatotoo ni Klea na walang takot ngang pinangalanan ang mga lalaking naka-date niya.

May ilan naman ang nagkomento na sana’y hindi na lang niya binanggit ang mga ito bilang respeto na rin sa mga ito, lalo na raw si Jak na maligayang-maligaya  na ngayon sa piling ni Barbie Forteza.

Klea Pineda mas na-feel ang pagdadrama sa ‘Never Say Goodbye’ nang ‘magpakalbo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Klea sa tambalan nila ni Jak: Hindi naman kami pumunta sa lock-in taping para maglandian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending