ChiKapalaran: Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo (March 20-26), Ka-Bandera!

ChiKapalaran: Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
IT’S Monday again, mga Ka-Bandera. Rise and shine! Nandito na naman ang iyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.

Ano pang hinihintay mo? Start your day right at alamin ang iyong ChiKapalaran for this week!

At dahil inggit na inggit tayo sa mga nakasaksi ng pasabog ni Mareng Taylor sa kanyang The Eras Tour, i-sound trip na lang muna natin ang mga kanta niya at sabay-sabay manalangin na mag-concert rin siya sa Pinas. Amen? Amen!

Taylor Swift, Patron Saint of Productivity, tulungan mo po kami!

ARIES (March 21-April 19)

Maganda ang pasok ng linggong ito para sa’yo dahil finally ay mapapansin na ng boss mo ang maayos mong trabaho at pupurihin ka nito. Basta huwag lalaki ang ulo, baka imbes na pabuya ay parusa ang matanggap mo. Keep it cool, besh.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 5

Song of the day: Blank Space

TAURUS (April 20-May 20)

Balita ko ay pinapairal mo na naman ang pagiging matigas ang ulo, mare. 2023 na, we need character development! Ang taas na nga ng inflation, pinapataas mo pa ang BP ng nanay mo.

Huwag nang ipilit ang mga bagay-bagay. Sey nga ni Ogie Diaz, “Kung hindi ukol, hindi bubukol”. Huwag matigas ang ulo! Hindi mo kasing ganda si Liza Soberano. Chos!

Lucky Color: Green

Lucky Number: 16

Song of the Day: Anti-Hero

GEMINI (May 21-June 20)

Sizt, ano na? Wala ka pa ring plano? Tama na ang kaka-Netflix and chill dahil baka mangisay ka talaga dyan kaka-go with the flow mo.

Linawin mo rin kung ano bang priority mo sa buhay. Kung career, career. Kung love, love. Maging stick to one ka rin paminsan-minsan. Promise, nakakahaba ng buhay. Char.

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 28

Song of the Day: Mean

CANCER (June 21-July 22)

Say yes sa yaya ng tropa. Oras na para mag-travel. Explore the world! Time out muna sa nakaka-stress na acads at trabaho. Now is the time to relax at mag-download ng dating apps para sa poging afam!

Okay lang gumastos, huwag ma-guilty. Deserve mo ang sumaya dahil pera mo ‘yan. Ang mahalaga nagbabayad ka ng tax. True? True!

Lucky Color: White

Lucky Number: 9

Song of the Day: Getaway Car

LEO (July 23-August 22)

Nakaloka ka d’yan, mars. Hindi ka naman teleserye pero laging inaabangan ng mga Marites ang post mo sa social media. Famous yarn?

Iwasan mo na lang muna ang pag-post sa IG stories at My Day mo para matanggal ka sa line up ng mga Marites sa GC nila. Ikaw pa naman ang laging bunot dahil malungkot ang childhood nila. Ikaw na ang mag-adjust, nakakahiya naman kung sila pa ‘di ba?

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 24

Song of the Day: Shake It Off

VIRGO (August 23-September 22)

Oras na para muling magbura at magtanggal ng tao sa buhay mo na wala namang ambag pero akala mo sinagot ang tuition mo nung college kung magmanipula.

You deserve better dahil tao ka at hindi bagay para gamit-gamitin lang. Erase na yan. Ang mahal ng skincare para umiyak sa maling tao, okay?

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 16

Song of the Day: Better Man (Taylor’s Version) (From The Vault)

LIBRA (September 23-October 22)

Hindi naman porke na-credit na sa sahod ang cash conversion ng unused leaves mo ay puro na lang checkout ang gagawin mo.

Try mong mag-ipon at huwag puro samgyup. Minsan budol rin ang katagang “deserve ko ito!” Hindi ka anak ni Henry Sy. Wake up.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 9

Song of the Day: Back To December

SCORPIO (October 23-November 21)

Maging praktikal muna sizt at pansamantalang isantabi ang “passion” dahil hindi applicable ang mag-resign para magawa ito.

Sadly, ang mga katulad nating breadwinner at alipin ng salapi ay walang choice lalo na’t maraming umaasa sa atin. Tiis muna. Dadaloy rin ang ginhawa.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 20

Song of the Day: Look What You Made Me Do (Taylor’s Version)

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Masusukat ang pagmamahal mo sa trabaho dahil may bida-bidang nag-aabang na magkamali ka para maagaw ang posisyon mo. Mag-ingat!

Ang mundo ay isang malaking Quiapo, baka ma-shoutout ka ni Rendon. Charot!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 16

Song of the Day: Fearless (Taylor’s Version)

CAPRICORN (December 22-January 19)

Beshy, check your surroundings. Iwasan ang mapalapit sa mga taong puno ng puot sa buhay. Hindi sila nakaka-pretty at maaring magdulot pa ng kapahamakan sa tahimik mong buhay.

Wala ka na ngang dyowa, gusto mo pa ba ng magulong buhay? No no na yan, beshy. Text ONANAY STOP and send to many. Eme!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 1

Song of the Day: I Knew You Were Trouble (Taylor’s Version)

AQUARIUS (January 20-February 18)

Malayo pa ang Holy week pero in-advance mo na ang pagninilay-nilay. Tulad ng sabi ng sikat na shoe brand, just do it!

Mahirap ang magkaroon ng regrets at what ifs sa buhay. Kung olats, at least youmve tried. Kung panalo, edi papansit ka naman dyan! Ibandera mo na yan, mars! Gorabels!

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 14

Song of the Day: …Ready For It?

PISCES (February 19-March 19)

Simula bata ay itinuro na sa atin ang “Patience is a virtue” at masusubukan nga ang pasensya mo this week dahil may mga bagay na mangyayari taliwas sa mga pinlano mo.

Parte talaga ‘yan ng buhay. Huwag mong kwestiyunin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan. Trip ka lang talagang subukin ng universe. Sa ngayon, learn to let go and move on. Oha, english ‘yon! Di mo kaya!

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 10

Song of the Day: This Is Me Trying

FOR TODAY’S BIRTHDAY CELEBRATOR

Maligayang kaarawan, mars! Today is your lucky day. Mabuhay ka hangga’t gusto mo kaya huwag kalimutan ang pa-pansit at pa-shanghai sa madlang pipol. At sana isama mo sa mga handa mo for chudeii ang pagkahanda mo na kalimutan siya. Kimmy!

Happy birthday sa ‘yo, beshy! Tumatanda ka na, pero wala ka pa ring dyowa. Kaya for today’s video, subukang magparamdam kay crush. Paniguradong babatiin ka niya ng “Happy Birthday” sabay sabing “Anong handa mo?” Siyempre ito na ang chance mo para sagutin ito ng “Handa na akong maging bebe mo.”

Basta huwag masyadong aasa na forever na ito. Sad to say, good for one day lang ang landian n’yo kaya galingan mo. Text EXTEND to 8080. Kinmy!

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 25

Song of the Day: You’re On Your Own, Kid

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Read more...