Derek, Cristine di pwedeng magsama bilang mag-asawa; Grabeng mag-away

Derek Ramsay at Cristine Reyes

“Hindi bagay sina Gerald (Anderson) at Cristine (Reyes), mas bagay si Cristine kay Rayver (Cruz),” ito ang mensahe sa amin ng mga taga-TFC subscriber na nanonood ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

At in fairness sa amin, pinatulan namin ang mga nagpadala ng mensahe, ang sabi namin, ‘anong problema, e, di ba sa takbo ng kuwento ngayon sa BNLKM ay sina Rayver at Cristine na ang mag-asawa?

“Basta, ayaw namin kay Gerald, mas gusto namin si Rayver for Cristine,” sagot ulit sa amin.

Susme, maski na anong sabihin pa ng mga sumusubaybay sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin na kesyo bagay si Cristine kay Rayver, e, hanggang soap drama na lang dahil sa tunay na buhay ay si Derek Ramsay pa rin ang gusto ng aktres.

Kaya bagay din kina Derek at AA ang titulong Bukas Na Lang Kita Mamahalin kasi as of now ay pareho silang nagpapalamig dahil pag nagsama pala ang mga ito ay parang mga aso’t pusa.

Going back to Bukas Na Lang Kita Mamahalin, may nagre-request naman na baka raw puwedeng agahan ang timeslot nito dahil ang mga nag-oopisinang nanonood ay napupuyat dahil maaga pa silang gigising kinabukasan, ayaw naman daw nilang manood sa I Want TV dahil may bayad na.

Hayan, paging ABS-CBN management, tutal hanggang November na lang naman ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, baka puwede ninyong pagbigyan ang viewers ninyo.

 

Read more...