Titikim na (2)

Sulat mula kay Arlo ng Barangay I – City Hall (Pob.), Tangub City
Problema:
1.      Beinte-anyos na ako sa Pasko, pero hindi pa rin nakakahalik ng babae.  Sa madaling salita, wala pa akong girlfriend hanggang ngayon. May babae akong hinahangaan at crush na crush ko siya, ang kaso nahihiya ako kaya hindi ko siya maligawan.
2. Itatanong ko lang kung may crush din kaya siya sa akin.  Kaya ko kaya siyang ligawan?  Compatible ba kami? December 1, 1990 ang birthday ko at August 12, 1993 naman po iyong babaing crush ko.
Umaasa,
Arlo ng Barangay I – City Hall (Pob.), Tangub City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang babaing crush mo ang nagsasabing compatible kayo, kaya sa sandaling nilakasan mo ang iyong loob na maipabatid sa kanya, sa anomang paraan ang iyong damdamin, tiyak ang magaganap susuwertehin ka sa Paskong ito, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing katugma mo rin sa Numerology ang babaing crush mo. Kung saan, sa sandaling kayo ay nagkaroon ng relasyon isang romantiko at masayang samahan ang mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang mag-succeed ang iyong plano na maging GF ang babaing crush mo  lagi kang magsuot ng kulay na berde at asul. Sa nasabing kulay, wala siyang magagawa kundi ang kusa ka na rin niyang magustuhan.
Huling payo at paalala:
Arlo, suwerte ka sa panahong ito, sapagkat ito na ang simula upang matupad ang mga pangarap mo lalo na sa love life. Tulad ng nasabi na, sa buwan ng Disyembre, magiging girlfriend mo na ang ka-class mate mo na crush na crush mo, upang minsan pa sa sandaling naging magkasintahan na kayo, mabubuo ang isang maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Read more...