Jane de Leon super happy sa successful operation ng ina, nagpasalamat sa lahat ng mga nagdasal | Bandera

Jane de Leon super happy sa successful operation ng ina, nagpasalamat sa lahat ng mga nagdasal

Reggee Bonoan |March 17,2023
facebook
share this

Jane de Leon super happy sa successful operation ng ina, nagpasalamat sa lahat ng mga nagdasal

Reggee Bonoan - March 17, 2023 - 11:22 PM

Jane de Leon super happy sa successful operation ng ina, nagpasalamat sa lahat ng mga nagdasal

FOLLOW-UP ito sa naisulat namin dito sa BANDERA tatlong araw na ang nakararaan na humiling ng panalangin ang aktres na si Jane de Leon para sa operasyon ng inang si Ginang Maricor Benitez- de Leon.

Hindi nabanggit ng dalaga kung bakit ooperahan ang ina at nasulat din namin na nawalan ng balanse ang mama niya dahil sa badminton pero hindi nabanggit ng nag-tsika sa amin kung siya ba ay nabangga o naglalaro.

At heto may post na si Jane na successful ang surgery ng mama niya sa kaliwang kamay at tama ang kuwento sa amin na may kinalaman ito sa badminton dahil sa fractured bone.

Walang binanggit ang aktres kung bakit inoperahan ang mama niya pero ang sabi lang niya ay pang-walong operasyon na ito ng ina.

Pinost ni Jane ang larawan ng ina na nakahiga sa hospital bed, nakaupo habang nakatingin sa mga bulaklak at prutas na pinadala sa kanya, larawan nilang mag-ina at ang x-ray film ng ng kaliwang kamay na nilagyan ng titanium para sa nabaling parte nito.

Ang caption ng aktres, “I know that it must be difficult especially as this is your 8th surgery (head, heart x4, legs and now your wrist). Every surgery is extra dangerous for you because of your heart problem. Yet here you are fighting for us”

Baka Bet Mo: Paolo Gumabao todo puri sa kabaitan ni Jane de Leon: She deserves to be Darna, nakita ko ‘yun, naramdaman ko ‘yun!

At dahil nakailang operasyon na ang mama niya sa iba’t ibang parte ng katawan ay pabiro niyang tinawag na Frankenstein ang ina.

“The scars on your body made us call you ‘Frankenstein Mom’ to which you just answer with a smile. You’re such a strong person mama and I am proud of you.”

“THANK YOU FOR ALL THE PRAYERS EVERYONE! (emoji praying hands),” sey ni Jane.

Marami showbiz friends at netizen ang nagparating ng suporta sa mama niya para sa agarang paggaling nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

Related Chika:
Nanay ni Jane de Leon naaksidente, humiling ng dasal sa madlang pipol: ‘It breaks my heart to see her in this situation…’

Jane de Leon nag-inarte raw kaya hindi natuloy ang pasabog ni Regine Velasquez sa ending ng Darna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending