Vice Ganda sa mga nangba-bash sa pagbili nila ng aso ni Ion: Hindi ba pwedeng hayaan n'yo kaming maging masaya? | Bandera

Vice Ganda sa mga nangba-bash sa pagbili nila ng aso ni Ion: Hindi ba pwedeng hayaan n’yo kaming maging masaya?

Therese Arceo |March 17,2023
facebook
share this

Vice Ganda sa mga nangba-bash sa pagbili nila ng aso ni Ion: Hindi ba pwedeng hayaan n’yo kaming maging masaya?

Therese Arceo - March 17, 2023 - 10:05 PM

Vice Ganda sa mga nangba-bash sa pagbili nila ng aso ni Ion: Hindi ba pwedeng hayaan n'yo kaming maging masaya?
PUMALAG ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga taong ang daming kuda sa ginawa nilang pagbili ng aso.

At sa episode ng “It’s Showtime” kahapon, March 16, sa segment nitong Isip Bata ay nagkatuksuhan ang mga hosts matapos ang tanong na anong nami-miss mo kapag wala ang isang tao.

Isa si Ion sa mga pagpipilian at “amoy n’ya” ang hawak nito. Nang tanungin siya kung anong amoy ay “amoy 48” raw sabay tingin kay Vice.

Agad namang ginatungan nina Jhong at Vhong ang sinabi ni Ion para asarin ang kanilang kaibigan.

Agad namang nag-react si Vice sa sinabi ni Ion at dinepensahan ang sarili dahil 47 pa lang siya.

Habang nagbibiruan ay nabanggit nina Vhong ang patungkol sa kanilang new baby habang nag-aasaran ang dalawa.

Chika pa ni Vhong kay Vice, “Nakita ko ‘yung bago n’yong baby, a. Ang mahal ng baby mo. Pati higaan mahal!”

Nang tanungin nila kung anong pangalan ng bagong alaga ng dalawa ay sinabing wala pa raw silang naiisip at baby pa ang kanilang tawag.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa ‘open letter’ ni teacher: Baka ‘di n’yo alam na ang YORMEME ay running joke, sana po’y ‘di n’yo sineryoso

Kaya naman naisingit nina Vhong at Kim na “48” na lang raw ang ipangalan dito na siyang dahilan kung bakit nag-aasaran sila.

“Bakit ang hilig n’yong magdesisyon para sa kapwa? Alam mo nababasa ko ‘yung mga comments, bakit kayo nagdedesisyon sa buhay namin?” umpisa ni Vice Ganda.

Marami raw kasi ang kumukwestiyon kung bakit bumilo pa sila ng mahal na aso.

Base sa in-upload na vlog ni Vice ay nagkakahalagang P380,000 ang kanilang bagong baby.

Dagdag pa niya, “Bakit raw bumili kami ng gano’n kamahal. Bakit raw hindi na lang nag-adopt. Hindi ba pwedeng hayaan n’yo kaming maging masaya? Hindi pwedeng choice namin, ‘di ba? Alam kong may mga dahilan kayo pero may mga kanya-kanya naman tayong choices. Hindi pwedeng kami ang mag-decide?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Chika pa niya, maganda naman daw talagang mag-adopt ng dogs pero hindi raw ba pwedeng choice nila ang pagbili ng aso.

“Pwedeng kaming mag-decide? It’s our life, di ba? It’s our life, it’s our joy. Can you just be happy for our joy and for our lives?” sey ni Vice.

Matatandaang ibinahagi ng TV host-comedian sa kanyang latest vlog ang kanilang pagbili ng pomeranian dog bilang kanilang baby ni Ion Perez.

Ani Vice, matagal na raw nilang napag-usapan ni Ion ang pagbili ng aso para mas lalong sumaya ang kanilang buhay at finally ay nakamit na nila ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Darren Espanto ‘in love’ raw, huling-huli ni Vice Ganda

Vice Ganda, Ion Perez may baby na: ‘Madadagdagan na ng bagong miyembro ang family namin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending