Kiray hindi bet makipag live-in kahit feeling ‘the one’ ang BF: Kailangan kasal muna bago ang lahat! | Bandera

Kiray hindi bet makipag live-in kahit feeling ‘the one’ ang BF: Kailangan kasal muna bago ang lahat!

Pauline del Rosario |March 17,2023
facebook
share this

Kiray hindi bet makipag live-in kahit feeling ‘the one’ ang BF: Kailangan kasal muna bago ang lahat!

Pauline del Rosario - March 17, 2023 - 03:49 PM

Kiray hindi bet makipag live-in kahit feeling ‘the one’ ang BF: Kailangan kasal muna bago ang lahat!

PHOTO: Instagram/@kiraycelis

MUKHANG nakita na talaga ng actress-comedienne na si Kiray Celis ang “forever” sa kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Inisa-isa pa nga mismo ni Kiray ang mga dahilan nang makapanayam siya ng aktor na si Paolo Contis sa online show nito na “Just In.”

Ayon sa aktres, nakita niya sa kanyang boyfriend kung gaano rin nito kamahal ang kanyang pamilya.

“Mararamdaman mo talaga kung gaano ka-supportive and grabe ‘yung respeto niya sa magulang ko,” sey niya kay Paolo.

‘Yun ‘yung number one para sa akin. Grabe niya mahalin ang pamilya ko, aside sa pagmamahal sakin.” patuloy niya.

Dagdag pa niya, “The fact na grabe ‘yung love niya sa parents ko, ‘yung respeto niya tsaka sa mga kapatid ko, sa mga pamangkin ko. Wala na. Siya na talaga.”

Baka Bet Mo: Kiray Celis inokray ni Senyora: Kahit ako ibu-blur ko rin mukha e

Nakwento pa niya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

Ibinunyag ni Kiray na matalik na kaibigan ng kanyang kapatid si Stephan at nagkadevelopan sila dahil sa paglalaro ng online games.

“Bestfriend siya ng kapatid ko for ten years, 15 years. So labas-pasok lang siya sa bahay namin,” kwento niya.

Chika pa niya, “All of a sudden, binigyan kami ng chance ni Lord na lokohin kami pareho. Niloko siya, niloko din ako. Super ML [Mobile Legends] ako ‘nun, hindi ako busy e.”

“Tapos nakita kong online siya tapos niyaya ko siya…tapos doon na nagkwentuhan na kami,” ani pa ni Kiray.

Nang tanungin naman siya sa isang portion ng interview kung pabor ba siya sa live-in setup.

Ang kanyang sagot ay hindi at sabay sabing, “Kasi very strict nga ang parents ko, so kailangan kasal muna bago ang lahat.”

“Kasi actually ang daming nagsasabi kasi akala live-in kami ng dyowa ko kasi ‘nung pandemic everyday siyang nasa bahay namin. So panong nangyari e lockdown nga? Kabilang kanto lang po e mula sa bahay namin,” paglilinaw ng aktres sa mga nagsasabing magka live in na sila ni Stephan.

“Same barangay kami. Kaya ‘nung clinose ang barangay namin, makakapunta siya samin. Kasi nga bestfriend siya ng kapatid ko ‘diba, kapitbahay lang talaga,” dagdag niya.

Nabanggit din ni Kiray na hindi pa siya handang bumuo ng sariling pamilya, lalo na’t nais pa niyang mag-enjoy sa buhay.

“Hindi pa yan ‘yung priority ko at tsaka may takot kasi ako. Ayoko na hindi ako ready ‘pag nangyari ‘yun,” sey ng aktres kay Paolo.

Saad pa niya, “Alam kong blessing ang mga bata, ang mga babies. Sa ngayon, ngayon pa lang siguro ako nag-eenjoy ng pera ko, gusto ko pa tumulong sa parents ko kaya hindi pa ako ready sa baby.”

Inamin ni Kiray na napag-usapan din nila ito ni Stephan at siya raw ay natutuwa dahil naiintindihan ng kanyang boyfriend ang kanyang mga desisyon sa buhay.

“Maintindihin naman ‘yung boyfriend ko. Hindi naman niya ako kinukulit sa mga ganoong pagkakataon,” chika ng komedyante.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kiray tinawag na ‘best mommy’ ng dyowa: Habangbuhay kitang mamahalin asawa ko, mahal na mahal kita

Buboy umaming pwedeng ma-in love kay Kiray; Stephan Estopia super selosong dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending