Darren Espanto 'in love' raw, huling-huli ni Vice Ganda | Bandera

Darren Espanto ‘in love’ raw, huling-huli ni Vice Ganda

Therese Arceo |March 17,2023
facebook
share this

Darren Espanto ‘in love’ raw, huling-huli ni Vice Ganda

Therese Arceo - March 17, 2023 - 03:08 PM

 Darren Espanto 'in love' raw, huling-huli ni Vice Ganda

IBINUKING ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kanyang natuklasan sa singer-actor na si Darren Espanto.

Nadiskubre kasi ng TV host-comedian ang babaeng nagpapatibok at nagpapasaya sa puso ng mang-aawit.

At noong Miyerkules, March 15, sa segment ng Tawag Ng Tanghalan sa “It’s Showtime” ay ipinakilala nila ang mga hurado kung saan kabilang si Darren.

Nang bumati nga ang binata sa madlang pipol ay humirit naman sa kanya si Vice.

“Kaya pala ang guwapo-guwapo nito si Darren, ‘no?!” sey ni Vice Ganda.

Sumagot naman ang binata at sinabing ito ah dahil sa kanyang beauty clinic na ini-endorse ngunit hindi pa rin siya tinantanan ng host.

“At saka in love, e! Nag-hi lang ako sa kausap niya sa phone kanina,” tukso pa ni Vice kay Darren.

Mas lalo pang tumindi ang asaran sa noontime show matapos patugtugin ang kanta niyang “In Love Na Ako, In Love Na Sa ‘Yo”.

Baka Bet Mo:  Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Hirit naman ni Kim Chiu, “Reveal naman, first letter lang!”

Walang ibang naging tugon si Darren kundi ngiti lang kaya naman mas lalo pa siyang inusisa ni Vice.

Tinanong pa niya ito kung sino nga ba ang kausap nito sa phone bago ang kanilang segment na Tawag Ng Tanghalan.

“In love daw kasi si Darren! Hi sa kausap niya sa phone!” sey ni Vice.

Dagdag pa niya, “Alam mo, tuwing nakikita ko yung batang iyon, nagha-hi, kumi-kiss sa akin. Mabait sila ng kambal niya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)

Kinilig naman si Kim sabay banat ng “Parang isa lang ang kambal sa showbiz!”

Hindi na rin napigilan ni Amy Perez at sumali na rin sa pnunukso kay Darren.

“Uy, yung mother nila nakatrabaho ko ng matagal na panahon,” hirit ni Tiyang Amy.

Well, aware naman halos ang lahat na may espesyal na namamagitan kay Darren at sa anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villlarroel na si Cassy Legaspi.

Matapos nga ang tuksuhan ay agad na naghanap ng resibo o pruweba abg CassRen fans kung sino nga ba ang kausap nito.

Agad naman silang nakahanap at makikitang kausap ni Darren si Cassy via video call habang naghihintay ito sa Tawag Ng Tanghalan at sinabi pa nitong mag-hi siya sa madlang pipol na nasa likuran lang niya.

Kumaway naman pabalik ang madlang pipol sa tila nakapambahay na si Cassy.

Aminado naman sina Darren at Cassy na espesyal sila sa isa’t isa at “best friends” ang turingan ngunit wala pang kumpirmasyon kung opisyal na ba silang magkarelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, supportive naman ang mga magulang ni Cassy at tila boto naman ang mga ito sakaling maging dyowa nga ng kanilang anak ang Kapamilya singer-actor.

Related Chika:
Darren Espanto, Cassy Legaspi nagkaaminan ng feelings sa isa’t isa: ‘We found so many things in common’

Darren umiiyak na naglabas ng saloobin sa mga magulang: Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending