Version ni Maegan Aguilar ng 'Anak' viral na, hirit ng netizens: 'Tagos sa puso, ramdam na ramdam mo ang sakit' | Bandera

Version ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ viral na, hirit ng netizens: ‘Tagos sa puso, ramdam na ramdam mo ang sakit’

Ervin Santiago |March 16,2023
facebook
share this

Version ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ viral na, hirit ng netizens: ‘Tagos sa puso, ramdam na ramdam mo ang sakit’

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 08:05 AM

Version ni Maegan Aguilar ng 'Anak' viral na, hirit ng netizens: 'Tagos sa puso, ramdam na ramdam mo ang sakit'

Maegan Aguilar

“PINAKAMAGANDANG version ng ‘Anak’ na napakinggan ko!” Yan ang nagkakaisang komento ng mga netizens nang mapanood ang bagong video ni Maegan Aguilar.

Marami ang pumuri sa singer nang mapakinggan nila itong kinakanta sa videoke ng awiting “Anak” na pinasikat ng kanyang tatay na si  Freddie Aguilar.

Napanood din namin ang pagkanta ni Maegan ng “Anak” na naka-post sa Facebook account ng isang nagngangalang Mariz Mattila noon pang March 5.

At in fairness nga, napakaganda ng version ni Maegan ng “Anak” na ibang-iba rin sa atake ni Ka Feddie. Agree ako sa mga nagsabing punumpuno ng puso at tagos hanggang kaluluwa ang pagkakakanta ng kotrobersyal na singer.

Base sa mga nabasa naming comments mula sa netizens, mukhang nakakakita pa rin sila sa pag-asa para magkaroon ng magandang bukas sa buhay ng anak ni Ka Freddie.


Sabi naman ng ilang nakapanood sa videoke session ng singer, sana raw ay mapanood nila ang mag-ama na nagpe-perform together pagdating ng tamang panahon.

Pero siyempre, may mga bashers pa rin na patuloy na nangnenega sa singer at nagsabing hindi na siya magbabago dahil nga sa umano’y patuloy na paggamit nito ng ilegal na droga base na rin sa naging resulta ng kanyang drug test.

“Sayang ka Maegan napakagaling mong kumanta. Sana hindi ka mawalan ng pag asa.”

“Sa Ayaw at gusto nya dapat talaga syang I rehab.”

“Sadness on her part..give her a chance ..shes a good Singer* MR.FREDDIE AGUILAR.REHAV MO PO ANAK MO…ANAK MO YAN. AT IKAW AY AMA. God bless you Maegan.”

Baka Bet Mo: Maegan Aguilar nagpositibo sa drug test, inalok na ipa-rehab ni Raffy Tulfo

“Ka freddie anak mo parin yan, wag mo sukuan ang anak no matter what. take her hand and lead the way, wag napo patigasan ng puso, kahit matigas siya bilang magulang will always be magulang to protect your child till your last breathe.”

“Hanggat may buhay may pag asa. Wag kang susuko sa laban Maegan. Kaya mo yan. At sana tigilan na rin ng ibang tao ang pagsasabi ng masama about her. Understanding ang need nya ngayon hindi judgment.”

“Ang galing niya, mg vlog k nlng megan, vlog mo yung pag kanta mo, tapos ibangon mo sarili mo. Makakabawi ka rin. Godbless.”

Yan ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa viral “Anak” version ni Maegan Aguilar.

Kamakailan, nagbilin na si Maegan na huwag na huwag palalapitin ang kanyang mga magulang at kaanak sa bangkay niya kapag siya ay pumanaw na. Hindi rin daw dapat hawakan ng kahit sino sa kanilang angkan ang kanyang labi.

Maegan Aguilar naglabas ng sama ng loob: Hindi man lang nila inalam, muntik akong ma-gang rape at ilibing ng buhay ang asawa ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maegan Aguilar sumailalim sa hair follicle drug test: I pray na talagang this proves everything and clears my name

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending