Monching inatake ng matinding nerbiyos sa muling pagsasama nila ni Lotlot; nagpakilig sa presscon ng 'The Write One' | Bandera

Monching inatake ng matinding nerbiyos sa muling pagsasama nila ni Lotlot; nagpakilig sa presscon ng ‘The Write One’

Ervin Santiago |March 16,2023
facebook
share this

Monching inatake ng matinding nerbiyos sa muling pagsasama nila ni Lotlot; nagpakilig sa presscon ng ‘The Write One’

Ervin Santiago - March 16, 2023 - 06:16 AM

Monching inatake ng matinding nerbiyos sa muling pagsasama nila ni Lotlot; nagpakilig sa presscon ng 'The Write One'

Ramon Christopher at Lotlot de Leon

NAGTILIAN at nagpalakpakan nang bonggang-bongga ang cast members ng Kapuso series na “The Write One” pati na ang mga members ng entertainment press nang ipakilala na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Nangyari ito sa grand mediacon ng latest primetime serye ng GMA 7 kung saan kabilang nga ang dating mag-asawa sa powerhouse cast ng programa na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Talagang nagpasabog ng kilig sina Lotlot at Monching sa nasabing mediacon na muli ngang magsasama sa isang proyekto makalipas ang dalawang dekada.

Kaya naman tuwang-tuwa ang GMA management dahil finally ay pumayag na ang mga magulang ni Janine Gutierrez na magtambal uli sa “The Write One” na magsisimula nang umere sa darating na Lunes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lotlot de Leon (@ms.lotlotdeleon)


Ayon sa dating celebrity couple, hindi lang ang kanilang mga loyal fans ang natuwa at nae-excite nang mabalitang muli silang magkakasama sa isang teleserye, kundi pati na rin ang kanilang mga anak.

Imagine nga naman, makalipas ang 20 taon ay napapayag sila ng mga bossing ng GMA magkatrabaho uli.

Aminado si Monching na talagang inatake siya ng matinding nerbyos nang ialok sa kanya ang project. Pero agad naman niyang nilinaw na wala naman kasi silang problema ni Lotlot.

Aniya, isang napakalaking blessing daw para sa kanila ang muling magkasama sa trabaho.

Baka Bet Mo: Lotlot sa nagsabing napakatigas ng puso niya kay Ate Guy: Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga nyo?

“Masaya ako na nakatrabaho ko ulit si Lot!” ang chika ni Monching na sinundan nga ng malakas na hiyawan mula sa mga taong nasa venue, kabilang na ang mga co-stars nila sa “The Write One.”

“Napakaganda kasi ng project na ito. Pero okey naman kami sa taping. Siyempre, noong una ninerbiyos ako. Matagal kasi kaming hindi nagka-work. Baka hindi na sanay.

“Eh, award-winning actress si Lot. Pero noong araw pa naman, magaling na siyang artista,” papuri pa ni Monching sa kanyang ex-wife.

Sey naman ni Lotlot,“Siya (Monching) angtalagang ninerbiyos. Ha-hahaha!”

“At siyempre, masayang-masaya ang mga anak namin ngayon!” pahabol pang chika ng aktres.

Wish ni Janine tinupad nina Lotlot at Monching; may message para sa lahat ng broken family

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake hindi kailangan ang sustento ni Skusta Clee para sa anak: Yung baby ko, baby ko lang yun, akin lang po…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending