Maggie Wilson problemado sa luggage na naiwan sa airport patungong Italy; MTRCB nakipag-meeting sa Google PH

Maggie Wilson problemado sa luggage na naiwan sa airport patungong Italy; MTRCB nakipag-meeting sa Google PH

Lala Sotto at Maggie Wilson

IKA-34 kaarawan ngayon ni Maggie Wilson-Consunji, Marso 15 at kasalukuyan siyang nasa Italy para doon mag-celebrate pero ang problema wala siyang damit na extra.

Base sa larawang ipinost niya sa kanyang Instagram ay inaayos niya ang kanyang suot na damit.

Ang kanyang caption, “Ready for a European spring.”

“When the airline didn’t load your luggage and the only thing I had was this scarf so I tied it into a dress. #makeitwork. Birthday week commencing.”

Sumagot ang flight attendant sister ni Maggie na si @iambethwilson, “Girlllll I dont know How! It must be, Pero push kasi walang suitcase!”


Nag-post naman ang CNN PH host na si @jamieherrell ng, “You are in Italy? I’m here!” Na ang intindi namin ay handa siyang tulungan sa kanyang problema.

Binati naman si Maggie ng netizen na si @iamenitsircyoj, “Happy birthday to our gorgeous and brave Queen Maggie! Keep slaying iloveyoualways Ms. Maggie! I will always pray for your happiness. May God continue to bless you.”

Komento ni @smileforsmartphone tungkol sa suot na scarf, “The scarf looked good on you.”

Diretsong sabi naman ni @dela_crux.cha, “So beautiful talaga, no match ung pinalit ni Ex.”

Sumang-ayon si @rachelkabit_victormistress, “Why so blooming miss mags? Ganito pala epekto pag nakalaya ka sa maling tao. Lalong gumaganda at nag blooming.”

Sana mapadpad din daw sa Rome ang isa pang tagahanga ng dating beauty queen and entrepreneur na si @maricar.abante, “Hope to see you here in Rome. Super idol po kita. Sana makita kita in person.”

Say ni @fangirljoan, “Enjoy your bday vacay, Maggie. Also, hope you got your luggage na. Stay blessed, Maggie.”

Baka Bet Mo: Bea nanghihiram lang ng damit sa kapitbahay pag may shooting: Tapos yung nanay ko bumibili rin sa Divisoria kasi mura du’n

Marami kaming nabasang pagbati sa kaarawan ni Maggie at umabot sa mahigit 22,000 ang engagement ng post niyang ito.

Happy birthday Maggie!

* * *

Nakipagkita ang Google Philippines sa MTRCB para pag-usapan ang online safety tools sa YouTube.

Si Atty. Yves Gonzalez, Head, Government Affairs and Public Policy, Google Philippines ay nakipag kita sa hepe ng MTRCB na si Chairperson Diorella Maria Sotto-Antonio nitong Lunes, Marso 13 para pag-usapan nila ng Google’s initiatives to promote digital wellness to users of its YouTube application.


Part of the discussion is the feedback mechanism available for YouTube users to flag inappropriate content and the availability of YouTube Kids which is a family-friendly place for kids and families.

Present sa meeting ay sina MTRCB Board Members Atty. Paulino Cases Jr., Atty. Cesar Pareja, MTRCB Chief Legal Officer, Atty. Cyris Ng-Santiago, Chief of Staff Bobby Diciembre, Public Relations Officer III Yayee Tobia, at Executive Assistant II Belle Rosal.

Ang YouTube ay global online video sharing platform headquartered in San Bruno, California, and is currently being led by Neal Mohan, SVP and Head of YouTube. It is owned by Google and is the second most visited website, after Google Search.

Bela Padilla ‘agaw-eksena’ sa dinaluhang kasalan sa Italy

Bagahe ni Bea Gomez nawala sa Israel; bakit inokray sa litrato nila ni Miss Thailand?

Read more...