#PG yarn: Amy Austria naloka sa youngstar na hindi namamansin sa taping, pero unang-unang susugod pagdating ng lafang | Bandera

#PG yarn: Amy Austria naloka sa youngstar na hindi namamansin sa taping, pero unang-unang susugod pagdating ng lafang

Ervin Santiago |March 14,2023
facebook
share this

#PG yarn: Amy Austria naloka sa youngstar na hindi namamansin sa taping, pero unang-unang susugod pagdating ng lafang

Ervin Santiago - March 14, 2023 - 07:20 AM

#PG yarn: Amy Austria naloka sa youngstar na hindi namamansin sa taping, pero unang-unang susugod pagdating ng lafang

Amy Austria, Xian Lim at Ashley Ortega

HINDI lang isa o dalawa o tatlo, kundi napakarami rin palang karanasan ng veteran actress na si Amy Austria sa mga pasaway at uma-attitude na youngstars.

Nagkuwento ang premyadong aktres sa ginanap na mediacon ng pinakabagong drama series ng GMA 7 na “Hearts on Ice” tungkol sa mga bastos at walang respetong kabataang artista na na-encounter niya sa ilang proyektong ginawa niya nitong mga nakalipas na taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Amy Ventura (@amyaustria_ventura)


Ayaw pa sanang magsalita ni Amy tungkol dito pero napilit din siya eventually about this pero pa-blind item nga lang ang ginawa niyang rebelasyon.

Kuwento ng actress, marami na siyang mga batang artista na nakatrabaho sa mga teleseryeng  nagawa niya na talagang hindi nambabati kahit pa magkakasama na sila sila sa dressing room.

“Siyempre, ang ginagawa ko, kapag may ganu’ng mga bata, ‘O, halika hija, dito tayo, pag-aralan mo.’

“Maski nga yung iba, hindi ako binabati, ako ang unang bumabati. ‘Hello.’ Ako yung nagri-reach out, kasi ang iba, baka hindi mo rin alam kung minsan baka nahihiya sila o natatakot sila.

“So, habang nagdi-develop ka ng bonding sa kanila, ng friendship sa kanila, ng relationship sa kanila, unti-unti maga-guide mo,” pagbabahagi ni Amy.

May ilan pa raw siyang nakatrabaho na talagang dedma lang kahit pa ilang araw na silang magkakasama sa taping. Tandang-tanda rin niya ang artistang walang hindi bumabati pero kapag may dumating nang mga pagkain ay unang-una pa itong susugod.

“Yung darating, hindi man lang bumati, yung ganyan. Tapos, pagdating…sama-sama kayo sa tent, mag-occupy siya ng napakalaking ano (space), may ganyan.

“Pagkatapos, minsan yun nga, hindi masyadong kabisado yung lines, ganyan, tapos nag-a-attitude na (umiirap), may ganu’n.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


“Meron pang isa na may nakasama din kami na ayun, hindi ka kilala. Alam naman niya kung sino ka, ganyan-ganyan. Pero kapag merong handaan na, meron kang…naku! Nakakahiya naman, sinasabi ko ito, may pagkain na, lalapit na, yung ganu’n.

“Palagi yun, e. Wala. Hindi ako nakita. Pero kapag meron nang pagkain, ‘lika, kain tayo! Ay, hello!” ang naloloka pang kuwento ni Amy.

Baka Bet Mo: Jobert Austria natagpuan na ang tunay na ina after 50 years: Pinapatawad na kita…

Nang magkaroon ng chance, kinausap daw niya ang nasabing artista, “Kasi nahihirapan ako… pag magkatrabaho kayo, ang hirap magtrabaho nang hindi ka kumportable sa isang tao.

“Ibig sabihin, tanggapin niya o hindi, nailalabas ko lang yung nararamdaman ko. I mean, baka mamaya gawin sa iba, kawawa naman. Kinausap ko, tapos niyakap ko, ganyan. Nag-thank you naman siya,” pagbabahagi pa ni Amy.

Samantala, puring-puri naman ng aktres ang mga katrabaho niya sa Kapuso series na “Hearts on Ice” kabilang na ang nga batang artista.

Wala raw siyang masasabing kanegahan sa mga bida ng programa na sina Ashley Ortega at Xian Lim. Marerespeto, mababait at magagaling daw ang mga ito.

Napapanood na ngayon ang “Hearts on Ice” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Mga Lihim ni Urduja.”

Amy Austria namasukang ‘kasambahay’ sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Best Female TV Host award ni Kim kinuwestiyon, mas deserving daw sina Anne at Tyang Amy; KimXi fans rumesbak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending