Titikim na

Sulat mula kay Arlo ng Barangay I – City Hall (Pob.), Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Beinte-anyos na ako sa Pasko, pero hindi pa rin nakakahalik ng babae.  Sa madaling salita, wala pa akong girlfriend hanggang ngayon. May babae akong hinahangaan at crush na crush ko siya, ang kaso nahihiya ako kaya hindi ko siya maligawan.  Itatanong ko lang kung may crush din kaya siya sa akin.  Kaya ko kaya siyang ligawan?  Compatible ba kami? December 1, 1990 ang birthday ko at August 12, 1993 naman po iyong babaing crush ko.
Umaasa,
Arlo ng Barangay I – City Hall (Pob.), Tangub City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May Guhit ng Romantikong Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) na nakatakdang mangyari sa panahong ding ito sa iyong palad. Tanda na basta’t lakasan mo lang ang iyong loob na kausapin ang babaing iyong crush tiyak ang magaganap,  magiging GF mo rin siya.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Three of Hearts at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2013, pinaka-matagal na sa January 2014, tiyak ang magaganap, magiging girlfriend mo ang babaing noon mo pa crush na crush.
Itutuloy….

 

Read more...