NAGKAROON ng 13 lalaki at 11 babaeng kalahok ang Mister and Miss Posture Philippines pageant sa una nitong edisyon noong isang taon. Para sa ikalawang pagtatanghal nito ngayong taon, 44 ang magtatagisan sa kategoryang panlalaki at pambabae.
Ipinakilala ni 2017 Miss Progress International at Mabuhay Health officer Jedaver Opingo ang 23 kandidato sa kategoryang “Mister” at 21 kandidata sa kategoryang “Miss” sa isinagawang “sashing ceremony” sa Antel Corporate Center sa Makati City noong Marso 5.
Kabilang din sa hanay ng mga kalahok ngayong taon ang mga kinatawan ng mga katutubong pamayanan, sina Erlinda Maasab Starbright at Joeser Sinfuego, na nagtapos bilang second runner-up noong isang taon.
“It feels so great that a lot of girls want to win, not just the crown or the prize, but also to inspire others to learn about the Mabuhay Chiropractic Clinics, how a healthy lifestyle can change our life. Last edition we were just 12, and now we have like 21 candidates,” sinabi ni reigning Miss Posture Philippines Ma. Yzabelle Reonal sa Inquirer sa isang panayam.
Sinabi naman ni reigning Mister Posture Philippines JP Riego na, “I was amazed, and excited for them to experience the experience that I had in my pageant. I hope they do their best to get the title, and enjoy.”
Sinabi ng reyna na binago ng korona ang buhay niya, “not only mentally, but also physically,” at sinabing nakatulong ang health center sa mild scoliosis niya. Ibinahagi naman ni Riego na nagbukas ng mga oportunidad ang titulo para sa kanya. “I met a lot of people that would definitely help me to reach those things that I want to achieve,” aniya.
Inilahad din ni Reonal ang katangiang nais niyang makita sa magiging tagapagmana. “There are a lot of women who want to become a beauty queen for just one year. I want a woman who is passionate, not just good for one year, but for a lifetime,” aniya.
Nais naman ni Riego na maisalin ang titulo isang mapagpakumbabang tagapagmana. “Importante sa akin ang humility ng tao. Doon made-define ang tao. Kahit gaano ka kaganda, kaguwapo, kung wala kang pag-uugali, big wrong,” ipinaliwanag niya.
Samantala, nagbotohan naman ang mga kawani ng midya kung sino ang paborito nila sa hanay ng mga kalahok. Nanguna sina Hanna Michaela Amistad mula San Mateo, Rizal, at John Paul Gundayao mula sa lalawigan ng Tarlac, at hinirang bilang “Darlings of the Press.”
Hindi pa sinasabi ng organizers kung kailan at saan itatanghal ang coronation ceremonies para sa patimpalak ngayong taon. Ngunit katulad noong unang edisyon, tatanggap ang bagong hari at reyna ng scholarship para sa bagong six-year chiropractic education program sa University of Makati.
Samantala, ibinalita naman ni Mabuhay Chiropractic Clinics founder Michael Tetrault na magkakaroon na rin ng Mister and Miss Posture India pageant, at itatanghal ito sa bansa sa Timog Asya ngayong taong ito rin.