Swimsuit photo ni Vicki Belo sa snow 'pinaapoy' ang socmed; ibinandera ang sexy body sa edad na 66 | Bandera

Swimsuit photo ni Vicki Belo sa snow ‘pinaapoy’ ang socmed; ibinandera ang sexy body sa edad na 66

Ervin Santiago |March 09,2023
facebook
share this

Swimsuit photo ni Vicki Belo sa snow ‘pinaapoy’ ang socmed; ibinandera ang sexy body sa edad na 66

Ervin Santiago - March 09, 2023 - 11:40 AM

“PINAAPOY” ng celebrity doctor na si “Vicki Belo” ang social media nang ibandera ang kanyang swimsuit photo sa gitna ng isang nagyeyelong lugar sa Japan.

Napanganga at napa-wow ang mga netizens nang bumulaga sa kanila ang litrato ni Vicki sa Instagram kung saan buong tapang nga niyang inirampa ang kanyang sexy body sa edad na 66.

Ito’y bilang pakikiisa niya sa selebrasyon ngayong taon ng International Women’s Day na ginanap kahapon.

Dito, nais ipagsigawan ng wifey ni Hayden Kho sa lahat ng kababaihan na maging “proud and comfortable” sa kanilang itsura at katawan anuman ang hugis nito.

Sabi ni Vicki sa caption ng kanyang Instagram post, “66 never felt so good (emoji) stay empowered in your skin, #happyinternationalwomensday (emoji).”

Kalakip nga nito ang kanyang photo suot ang OOTD niyang floral swimsuit na kuha sa “snowy Japan.” Tinernuhan niya ito ng bonggang boots at black sunglasses.

Baka Bet Mo: Glam-up transformation ni Vicki Belo patok sa netizens: ‘Love it!’

Siyempre, unang-unang nagkomento ang asawa niyang si Hayden, “Only Belo touches her skin, but only I can leave fingerprints. (emoji).”

Sandamakmak na IG users ang nag-like at nag-iwan ng heart at fire emojis sa sexy photo ng celebrity surgeon kabilang na ang mga kaibigan niyang celebrities at halos lahat sila ay humanga sa kanyang katawan sa edad na 66.

Ilan sa mga napa-wow sa swimsuit photo ni Vicki ay sina Pia Wurtzbach, Maricel Laxa-Pangilinan at Solenn Heussaff na meron pang pa-hands-up emoji.

Umulan naman ng fire emojis sa IG post ni Vicki dahil kina Georgina Wilson, Rhian Ramos, Marjorie Barretto, Amy Castillo, Max Collins at marami pang iba.

Feeling naman ng ibang netizens, talagang ibinilad ng asawa ni Hayden ang kanyang katawan sa madlang pipol para ipaalam sa buong universe na kahit malapit na siyang mag-70 years old ay kering-keri pa rin niya ang magsuot ng mag-bikini in public.

Matatandaang noong September, 2022, ay na-bash nang bonggang-bongga si Vicki dahil sa ginawa niyang TikTok at Instagram video kung saan ginaya niya ang mga itsura at galawan ng BLACKPINK with “Pink Venom” music video.

Wa epek naman sa cosmetic guru ang mga pambabastos at pangnenega sa kanya ng mga haters dahil wala naman daw siyang ginagawang masama.

Aniya sa isang panayam, “Basta enjoy lang po kayo kung anong gusto niyong gawin sa buhay. Hindi naman po nakaka-hurt kahit kanino. And huwag na kayo mag-bash ng kahit ano. Ageism is bad.”

Related chika:

Michelle Dee pinainit ang socmed sa pasabog na sexy photo para sa 2022 Miss Universe PH swimsuit challenge

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#PakGanern: Bb. Pilipinas 2022 candidates kabugan ang laban sa pasabog na swimsuit photos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending