Royce Cabrera hindi lumafang ng tinapa at kangkong bilang paghahanda sa laplapan nila ni Yayo Aguila | Bandera

Royce Cabrera hindi lumafang ng tinapa at kangkong bilang paghahanda sa laplapan nila ni Yayo Aguila

Ervin Santiago |March 09,2023
facebook
share this

Royce Cabrera hindi lumafang ng tinapa at kangkong bilang paghahanda sa laplapan nila ni Yayo Aguila

Ervin Santiago - March 09, 2023 - 06:52 AM

Royce Cabrera hindi lumafang ng tinapa at kangkong bilang paghahanda sa laplapan nila ni Yayo Aguila

Royce Cabrera at Yayo Aguila

INALALA ng Kapuso actor na si Royce Cabrera ang matinding laplapan na ginawa nila noon ng beteranang aktres na si Yayo Aguila para sa isang pelikula.

Talaga raw pinaghandaan niya ang eksenang yun dahil ayaw niyang mapahiya sa production, lalo na raw kay Yayo na first time niyang nakatrabaho at may matindi pa silang kissing scene.

Kuwento ng binata, hindi na raw siya nag-lunch nu’ng araw ng kanilang shooting lalo na nang makita niyang tinapa ang kanilang ulam.

Ibinahagi ito ni Royce sa online show ni Paolo Contis na “Just In” ang tungkol dito nang matanong siya kung ano ang na-feel niya bilang baguhang artista nang gawin niya ang nasabing eksena kasama si Yayo sa pelikulang “Fuccbois.”

Sey ng aktor, reshoot lang daw yung laplapan scene nila ng batikang aktres dahil hindi satisfied ang direktor nila sa una nilang eksena.

“Kinabahan talaga nu’ng una. Nu’ng una kasi, kiss lang talaga. Ngayon tinawagan kami ni direk parang hindi enough yung kiss. Parang mukhang mag-tita lang yung dating.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Royce Cabrera (@royce.cabrera)


“Parang yung uso that time kasi medyo December affair, yung ano gusto nila medyo wild pa,” chika ni Royce.

Panunukso naman ni Kokoy de Santos, na kasama rin ni Royce na nag-guest sa show ni Paolo at kasali rin sa pinag-uuspan nilang pelikula, “Hindi mo ba ni-request ‘yon (matinding kissing scene)?”

Baka Bet Mo: Joshua, Janella walang arte-arte sa ‘laplapan’ scene; Direk Benedict Mique may pa-shoutout sa lahat ng nakikilipad kay Darna

Sagot naman ni Royce, “Hindi ko ni-request ‘yon brod. Trabaho lang, professional tayo dito, eh.”

At nang sabihan nga sila ng kanilang direktor na kukunan uli ang kissing scene nila ni Yayo at kailangang mas matindi pa raw sa ginawa nila nu’ng una, naghanda na raw siya talaga nang bonggang-bongga.

“Nakipagkilala ako sa kanya ako po si Royce, trabaho lang po. Tapos nakita ko yung lunch tinapa saka kangkong hindi ako kumain (para hindi kumapit ang amoy sa bibig),”  natatawang chika ni Royce.

“Nagdala ako ng mouth wash noon, pagka-mouth wash ko nag-tootbrush pa ko. Mouth wash, toothbrush, chiclet, lahat ‘yun. Siyempre nakakahiya parang wala talaga akong kinain that time,” sey pa ni Royce.

Puring-puri naman ni Royce si Yayo nang gawin nila ang nasabing eksena, “Saludo ako kay Miss Yayo kung hindi naman dahil sa kaniya hindi namin magagawa nang maayos ‘yon.”

Alice, Andrea, Bianca magsasabong sa ‘Legal Wives’; Claire, Royce hot na hot

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jerald, Kim grabe ang love scenes sa bagong movie: Laplapan kung laplapan talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending