Wala talagang ipinagkaiba ang picture ni Sunshine for the past thirteen years and two daughters to husband Cesar Montano ha, kaya karapat-dapat siyang maging endorser ulit ng beauty product.
Sunshine credits this to her positivity in life at never siyang nag-dwell sa negative issues kaya kagat ang bagong tagline ng kaniyang Ever Bilena campaign Beauty Shines In You as she renews her contract together with Ever Bilena CEO Mr. Dioceldo Sy.
Kailangan daw ni Sunshine ng mga ganitong raket dahil single parent na ngayon to her two daughters ang drama nito since she left Cesar.
Ayon kay Sunshine, thankful siya na nag back to back ang project niya sa ABS na after Dugong Buhay ay may Galema agad siya. Kailangan niyang mag-work dahil she plans to buy a house for her and her daughters.
Hindi niya raw kasi kakayanin na magbayad ng rent ng bahay nila ngayon na P55,000 a month as Cesar reportedly only gave her four months lang daw.
Ayaw na niyang manghingi ng apartment payment sa asawa kaya magtatrabaho na lang siya para makabili ng bahay hopefully next year.
This is like saying wala na talagang reconciliation dahil she is really declaring independency sa plano niyang bumili ng bahay.
( Photo credit to Google )