SA maniwala kayo o sa hindi, hindi lahat ng babaeng nakikipag-flirt sa kanya ay pinapatulan ni Derek Ramsay, kahit pa ang maging kapalit nito ay maraming pera, sasakyan at iba pang mamahaling bagay.
Inamin ni Derek, na mapapanood na sa bagong teleserye ng TV5 ngayong gabi, ang adult drama na For Love Or Money, na marami na siyang natanggap na indecent proposal (na siguradong hindi lang nagmumula sa mga babae, kundi pati na rin sa mga bading).
“Yes, I have many offers. Gaya ng sinabi niyo, pera, hindi lang sasakyan, among other things. Pero, bago ko pa malaman ang alok, sinasarado ko na,” pahayag ng Kapatid hunk actor.
Sinundot ito ng tanong na baka dahil mayaman siya kaya nakakaya niyang tanggihan ang ganitong uri ng offer?
“Hindi, e, the thing is, ever since I graduated, hindi na ako humingi ng pera sa mga magulang ko.
Pagkatapos nila akong pag-aralin, sila naman ang mag-enjoy. Walang biro ang ginastos nila. Pinag-aral nilang lahat kami sa magagandang eskuwelahan.
“So ako, it’s my turn to give back. Kahit hindi nila kailangan, ayokong tumanggap ng pera sa kanila. I have to make a name for myself. I have to make my own life.
“I idolized my father for everything that he’s done and I wanna follow his footstep to make a name and make a life for myself,” chika pa ng lalaking pag-aagawan nina Alice Dixson at Ritz Azul sa For Love Or Money na idinirek ni Mac Alejandre.
( Photo credit to Google )