KUNG ikaw ay empleyado, miyembro o pensionado ng Social Security System (SSS), may kara-patan kang umangal sa pagbibigay ng P1 milyon sa kada isang director ng SSS board.
Napakalaking halaga naman ng P1 milyon kung ikukumpara mo sa pension na nakukuha ng mga retiradong empleyado.
Sabi ni Emilio de Quiros, president and chief executive officer o CEO ng SSS, legal naman at nasa tamang lugar (moral) ang pagbibigay ng ganoong kalaking halaga sa mga SSS directors.
Kailangan daw ma-ging competitive ang mga opisyal ng SSS doon sa mga nasa private companies, ani De Quiros.
Hinamon niya ang mga pumupuna sa P1 milyon fat bonus na ikumpara ang bonus ng SSS director sa mga nasa private sector.
Bakit naman ikukumpara ni De Quiros ang SSS directors sa mga opisyal ng private corporations, samantalang ang SSS ay government-run financial institution?
Mas mataas pa ang kinikita ng SSS director sa mga opisyal ng ibang ahensiya ng gobyerno.
At malaki yata ang agwat ng bonus ng ordinaryong SSS employee sa bonus ng SSS director.
Maaaring legal ang pagbibigay ng malaking bonus sa SSS director, pero ito ay imoral.
Natitiis ng mga SSS directors ang malaki nilang sahod o bonus habang maliliit ang bonus ng mga empleyado ng SSS.
Di ba kawalanghiyaan yan?
Dapat ay nahihiya itong si Emilio de Quiros na ipagtanggol ang malaking bonus ng kanyang mga kasamahang directors ng pension fund na pag-aari ng tumbayan.
Naghihirap na nga ang bansa, nagpapakalulong pa ang mga matataas na opisyal ng SSS sa pera ng mga miyembro.
Si De Quiros ay kapatid ni Conrad de Quiros, isa sa mga columnists ng INQUIRER, na sister publication ng Bandera.
Mababanatan kaya ni Conrad ang kanyang ka-patid?
Kaya pala hindi mabanat-banatan na ngayon ni Conrad de Quiros si Pangulong Noy na noon ay taga-usig ni PNoy noong siya’y di pa pangulo at ng kanyang ina na si Tita Cory.
Si P-Noy kasi ang nagluklok kay Emilio de Quiros sa SSS.
Nag-react ang Supreme Court sa aking sinulat sa dito sa Bandera at INQUIRER tungkol sa away ng mag-asawang William Godino at Elizabeth de Guia-Godino.
Tinuligsa ng inyong lingkod si Parañaque Regional Trial Court Judge Noemi I. Balitaan dahil sa pagpatol nito sa kasong kriminal na isinampa ni Mr. Godino kay Mrs. Godino.
Sinampahan ng kasong two counts of carnapping ni Mr. Godino si Mrs. Godino na isang psychiatrist sa isang malaking ospital sa Metro Manila.
“While we in the Office of the Court Administrator cannot interfere with the judicial discretion of our judges, we are nevertheless closely monitoring the carnapping case you mentioned for possible appropriate sanctions (against Judge Balitaan),” ani Justice Jose Midas Marquez sa sulat na ipinadala sa inyong lingkod.
Dapat ay matanggal sa serbisyo at maalisan ng license to practice law itong si Balitaan dahil sa kanyang pagiging estupido.
Si Dra. Godino ay nakakalaya ngayon dahil sa P120,000 bail bond na iniutos ni Balitaan na ipundar niya.
Ang carnapping ay pagnanakaw ng isang sasakyan.
Bakit naman nanakawin ni Dra. Godino ang mga sasakyan—dalawang sasakyan daw ang kanyang ninakaw kay Mr. Godino—na sa kanya rin?
Hindi ba alam ni Balitaan na sa mag-asawa, ang pag-aari ng lalaki ay pag-aari rin ng kanyang misis?