OGIE DIAZ gipit sa pera, nangutang sa mga kaibigang celebrity


Nag-trip si Ogie Diaz, nangutang siya sa celebrity friends niya. Noong una, P30,000 ang inuutang niya, then nag-level up sa P50,000.

Isinulat ni Ogie sa blog niya ang nakakatuwang experience niya ng pangungutang sa mga close friends niya. “______, baka puwede naman akong makahiram ng 30k sa ‘yo. Babayaran ko rin pag nagkateleserye na ‘ko.

Kung keri lang.” That was Ogie’s text message sa celebrity friends niya, “Okay, pre. Tom na lang, pre, sa taping ko!” came Vhong Navarro’s reply.

“Nasa shooting ako, marsi, bukas nasa bahay lang ako,” ang sagot naman ni Pokwang. “Ok po, Kuya. Pa’no ko po mabigay sa ‘yo?” sabi naman ni Erik Santos.

Nang itinaas na ni Ogie sa P50,000 ang hinihiram niyang datung, si Ai Ai delas Alas na genuinely generous at helpful sa mga taong nangangailangan ay kaagad na nag-reply ng, “Oo naman, sige.

Kakadating ko lang, mare. Maya kita tayo or bukas na mare sa taping, puntahan mo na lang ako.” Maging si John Estrada ay willing na tulungan si Ogie, “Ok, mare, kailan?

Ok lang ba Thursday o kailangan mo na agad?” text niya. Si Luis Manzano, anak-anakan ni Ogie, ay kaagad ding umoo sa kanya.

“Hi, mare! Please text me your bank details. Pa-deposit ko na lang sa account mo bukas,” text naman ni Carmina Villaroel.
Si Coco Martin naman, since nagpapagawa ng bahay, ay tumawad at willing magbigay ng P20,000 para sa inaanak niya na daughter ni Ogie. Sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual naman ay kaagad ding nag-oo sa inuutang niyang datung.

What lesson did Ogie learn from this? Well, marami pala siyang friends na tutulungan siya sa oras ng pangangailangan.
Actually, walang tinanggap si Ogie sa lahat ng celebrity friends na inutangan niya.

Kahit na medyo gipit, meron pa ring pinagkunan si Ogie ng datung dahil ibinebenta niya ang isa sa mga apartments niya at meron siyang paparating na teleserye.

( Photo credit to Google )

Read more...