NAGSALITA na ang tatay ni Liza Soberano tungkol sa kinasasangkutang kontrobersya ngayon ng kanyang anak matapos lumabas ang kauna-unahang vlog nito sa YouTube.
Tulad ng inaasahan, ipinagtanggol ni John Castillo Soberano si Liza sa mga bashers at haters na patuloy na bumabatikos sa dalaga lalo na sa mga tumatawag sa kanya ng “ingrata” at “walang utang na loob.”
Ito’y dahil nga sa mga naging reklamo at hinaing niya sa dating manager na si Ogie Diaz at sa dati niyang mother network na ABS-CBN, Star Magic at Star Cinema.
Makalipas ang mahigit isang dekada sa showbiz, marami palang reklamo ang aktres tulad ng nakakahong career niya bilang artista na umikot lang sa tatlong direktor at isang leading man sa pelikula at teleserye.
Pati ang pangalan niyang “Liza” ay hindi pala niya feel kaya naman ang nais niyang itawag sa kanya ngayon ay “Hope Soberano.”
Ayon sa tatay ni Liza, base sa panayam ni MJ Marfori, ng TV5, wala namang masamang intensyon ang anak kaya sana’y intindihin mabuti ng publiko ang mga naging pahayag nito.
“Since you guys are all hurt i’m very sorry,” sabi ni Mr. Soberano. “For what you guys didnt understand,” dugtong pa niya.
“Everybody blow everything out of proportion so sometimes you have to sit back relax and rewatch what she said and really understand what she’s saying,” ang katwiran pa niya.
Bukod kay Ogie Diaz, nagsalita rin si Boy Abunda hinggil sa isyu, “May karapatan ba si Liza Soberano magbago ng management? May karapatan ba si Liza Soberano na magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza Soberano na hawakan na ang kanyang karera?
“Ang kasagutan po sa lahat ng iyon ay oo. She has the right to do what she’s doing,” ang diretsahang pahayag ni Tito Boy.
Patuloy pa niya, “Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan, let me talk first as a manager, kasi po may mga complaint siya doon na, ‘I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong ng nangyayari sa aking karera, na I was working with three directors na paulit-ulit.’
“Masakit pakinggan, kasi you are working with three best directors in this country. At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw yon.
“For the last 13 years, yung hinangaan namin, hindi si Liza yun. Because you were saying in your vlog na, I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko, I don’t know the intent, I don’t know where she wants go.
“Kung rebranding lang ito at redirection, medyo masakit, lalo na para sa aming mga managers,” mariin pang sabi ng Kapuso TV host.
Related Chika:
Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’
Liza Soberano pinalitan ang pangalan, may pasabog na bagong proyekto: Please call me ‘Hope’
Boy Abunda dismayado sa rebelasyon ni Liza Soberano: ‘Masakit, lalo na para sa aming mga manager’