SUMABAK na sa charity events ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas mula nang opisyal na makapasok sa patimpalak ngayong buwang ito lang, nakiisa na rin sila sa blood donation drive. Kaya naman binigyan sila ng organisasyon ng isang araw upang magpakasaya sa Art in Island sa Araneta City sa Quezon City sa huling araw ng Pebrero.
Namangha ang 40 kandidata sa multimedia art installations at 3D murals sa updated na mixed-media museum, kumuha ng mga larawan sa kada sulok at kada liko nila sa multi-level establishment na may ilang mga silid din na may sari-saring artistic backgrounds.
Sinabi ni Jeanne Bilasano mula Albay na higit pa ito sa inaasahan niya. “When I was in college in UST (University of Santo Tomas) we have been planning to go here a long time ago. Then the pandemic happened, we weren’t able to do that. And the Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) gave us the chance to visit Art in Island. It makes me so happy to actually experience it not just by myself, but with all the other girls,” sinabi niya sa Inquirer.
“I was surprised with how big this is, how a lot of installments have been added. We were thinking it’s gonna be the old ones, the graphic photos. Then they added more things, so it’s nice to see,” dinagdag niya.
“Surreal” naman umano ang karanasan para sa kapwa niya Bicolanang si Rheema Adakkoden mula Camarines Sur, at nagpasalamat sa BPCI para sa pagkakataon.
“I expected there will be fun activities ahead, but not something like this. It’s really something that I am enjoying right now, I’m really thankful. I thought it’s going to be a small establishment, but it’s huge. I thought there will be little corners where we can take photos. I’m finding so many spots to take photos. So I’m encouraging people to come here and experience it yourself,” aniya.
Inamin naman ni Jessilen Salvador mula Aklan na matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. “Actually noong pinapanood ko last year ang Binibini, iyong ‘ganaps’ nila, ito talaga iyong gusto kong mapuntahan, Art in Island. Iyong mga lights, sobrang love ko po iyong mga ganitong scenery. Sobrang in love ako sa mga lights, and mag-picture, side-by-side,” ibinahagi niya.
Pinuri rin ng kapatid ng aktres na si Maja Salvador ang mga nasa likod ng museo. “Amazed na amazed ako. Sobrang galing din ng mga nakaisip ng concept na ito. And alam n’yo naman ang mga Pinoys sobrang love mag-take ng pictures, I’m one of them, kaya sobrang naa-amaze ako, sobrang ganda talaga,” anang kandidata.
Sobrang excited niya kaya isang araw bago ang pagpasyal nila ay sinilip na niya ang social media page ng museo. “Pagpasok ko kanina para akong bata talaga. ‘Wow this is it, I’m in Art in Island!’ I’m so excited to go inside, explore, and take more pictures. Kaya lang na-full ang ating phone,” inilahad niya.
Itatanghal ang 2023 Bb. Pilipinas coronation night sa Smart Araneta Coliseum sa Araneta City sa Mayo. Hindi pa sinasabi ng BPCI kung ilang korona ang igagawad sa patimpalak ngayong taon.