Jake puring-puri si Richard bilang katrabaho at kaibigan: ‘Siya talaga ang epitome of an action star’
By: “reggee
- 2 years ago
Jake Cuenca at Richard Gutierrez
NATUTUKAN namin ang seryeng “The Iron Heart” nina Richard Gutierrez, Jake Cuenca, Sue Ramirez, Sofia Andres, Meryll Soriano, Maricel Laxa, Christian Vasquez, Albert Martinez, Enzo Pineda, at iba talaga ang husay nila – mata sa mata rin ang labanan.
Hindi man namin napapanood ito sa tamang oras pero pinagpupuyatan namin itong mapanood sa YouTube sa madaling araw.
Naniniwala rin kaming maraming sumusubaybay sa “Iron Heart” dahil bukod sa ibang programa ng Kapamilya Network at GMA 7 ay isa ang programa ni Richard na umabot sa online view ng 267,376 live concurrent views nitong Miyerkules (Peb. 22) na siyang pinakamataas mula noong ito’y ipalabas.
Sa nasabing episode, patuloy ang pagtutulungan nina Apollo (Richard) at Eros (Jake) sa pagligtas sa buhay ni Bungo (Mitoy Yonting), ama ni Venus (Sue).
Maging sa totoong buhay nga ay nagiging maganda rin ang samahan nina Richard at Jake bilang magkatrabaho.
Ani ni Jake, “Of all the action projects I’ve done in the past, Richard is the easiest person to work with, talaga. Like you get out of a really heavy fight scene, like kunwari mag-fight scene kami ng magdamagan…scratchless, hindi nasasaktan talaga, and I love Chard for that. Si Chard talaga is the epitome of an action star.”
Sa pagpapatuloy ng kwento, sundan kung ano ang susunod na balak nina Apollo at Eros sa kanilang pagpapabagsak ng Tatsulok. Tuluyan na kayang maging ligtas ang buhay nina Venus at Bungo? Tutukan ang “The Iron Heart,” 8:45 p.m. sa Kapamilya Network.
* * *
Mga babaeng palaban ang bida sa iWantTFC ngayong Women’s Month tampok ang mga pelikula at serye nina Lovi Poe, Janine Gutierrez, Angelica Panganiban, at marami pang iba na maaaring mapanood nang libre sa streaming platform.
Sa special selection na “In Celebration of International Women’s Day,” masusundan ng viewers ang kwento ng mga babaeng nagpalamas ng tapang at sakripisyo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Mapagpipilian ang mga seryeng “Call Me Tita” nina Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, Agot Isidro, at Mylene Dizon at ang “Sleep with Me” girls’ love series nina Lovi at Janine, pati na rin ang mga pelikulang “Glorious” ni Angel Aquino at “Malaya” ni Lovi.
Tampok naman sa “Queens of Philippine Movies” selection ang mga tumatak na karakter sa mga Pinoy nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Angel Locsin. Balikan ang kanilang natatanging pagganap kapag pinanood ang mga pelikula nilang “The Unmarried Wife,” “One More Chance,” “Camp Sawi,” “Unofficially Yours,” at iba pa.
Ilan naman sa mga proyekto ng mahuhusay na mga babaeng direktor ang pwedeng panoorin sa “Movies by Female Directors” selection. Mapapanood sa iWantTFC ang mga pelikula nina Olivia Lamasan, Antoinette Jadaone, Mae Cruz-Alviar, at Cathy Garcia-Molina tulad ng “Milan,” “That Thing Called Tadhana,” “She’s The One,” at “Hello, Love, Goodbye.”