Angelica na-challenge sa pag-iimpake para sa Palawan trip ng pamilya: ‘Ang sakit-sakit ng katawan…akyat-baba, buhat dito, buhat diyan!’

Angelica na-challenge sa pag-iimpake para sa Palawan trip ng pamilya: 'Ang sakit-sakit ng katawan...akyat-baba, buhat dito, buhat diyan!'

Gregg Homan, Angelica Panganiban at Baby Bean

ALIW na aliw ang madlang pipol sa bagong vlog ng celebrity mom na si Angelica Panganiban kung saan mapapanood ang ginawa niyang preparasyon sa pagpunta ng kanyang pamilya sa Palawan.

Aligagang-aligaga ang aktres dahil ito nga ang unang pagkakataon na magbabakasyon sila ng kanyang partner na si Gregg Homan kasama ang panganay nilang si Amila Sabine o Baby Bean.

Sa kanilang YouTube channel na “The Homans”, nag-share si Angelica ng ilang detalye kung paano nila paghandaang ang kanilang Palawan trip ngayong buwan.

“Hello! We are very excited because we’re having our 1st family trip! And will be sharing with you guys how I prepared and packed all the necessary things that we will be needing on our 1st first trip with Bean!

“Hope this video would also help parents who are also planning to bring their babies/infants on their vacations!” ang caption na nakalagay sa kanilang vlog.

“Ipakikita ko sa inyo kung ano ang aming dadalhin sa aming bakasyon. First time na mag-ta-travel kami na medyo malayo layo dahil sasakay kami ng eroplano.


“Medyo nalilito ako siyempre as a first time mom. Hindi ko alam kung ano talaga ‘yung kakailanganin namin, baka may maiwan akong gamit.

“So mawawala kami for eight days. Pupunta kami ng Palawan. Ipapakita ko sa inyo kung ano ‘yung mga dinala ko, mga gamit ng anak ko, gamit namin ni Gregg,” ang simulang pagbabahagi ng Kapamilya actress.

“Pero siyempre ‘yung gamit namin ni Gregg alam na namin ‘yan dahil biyaheng-biyahe naman kami mula nung mga binata’t dalaga pa kami. At ngayon na may anak na kami parang wala namang nagbago.

“Mas malalaki lang ‘yung damit kong dala for me kasi siyempre ang laki ko ngayon di ba? Ang mahirap lang talaga is kung ano pa ‘yung mga dapat kong dalhin para sa anak ko,” chika pa ng aktres.

Sa isang bahagi ng video, nagbigay din ng ilang tips sa mga tulad niyang first-time moms sa pag-iimpake ng kanilang mga gamit kabilang na ang mga kakailanganin ng mga sanggol.

Aniya, tatlong luggage sana ang planong dalhin nina Angelica at Gregg, “Sana nga dalawa lang eh pero nakaabang ako hanggang tatlong maleta para sure na walang maiiwan, walang stress ang mommy kapag may biglang kinailangan habang nasa island na kami at mahirap kumuha ng mga gamit.

“Mabuti na lang talaga at I am a padede mom. So ‘yung gatas hindi na ‘yun kailangan baunin. Though meron tayong mga dalang milk warmer na may insect repellant sa loob,” chika ni Angge.

Sa una nilang bagahe, “Siyempre hindi puwedeng wala kang bag of toiletries. At ang laman ng toiletries ko meron kaming insect repellant kasi pupunta kami sa island at kagatin talaga ako ng lamok, island man ‘yan o hindi.

“Tapos hair mask, toothpaste, lotion, deodorant, facial oil, shampioo and conditioner, soap, facial wash. So ‘yan ang laman ng aming toiletries.

“‘Yung isa naming toiletry (bag) nandu’n naman ‘yung aming toothbrush, mouthwash and mga gamit naman ni Gregg. Deodorant niya, pang-shave niya. So, ‘yung mga panglalake,” aniya pa.

Pagpapatuloy pang chika ni Angelica about their Palawan trip, “Magsasama kami ng yaya. This trip is one year in the making. Bago ako mabuntis, planado na talaga namin ito ni Gregg na mag-Palawan kami.

“Supposedly, magbo-boat lang kami papuntang Palawan. But then we found out na buntis ako February 3 of 2022. So hindi ako pinayagan ng doctor ko kasi maselan ‘yung first three months ng pagbubuntis ko so naka-house arrest ako nu’n.

“So na-postpone lahat ng mga plano namin nung bago kami magka-baby. So ngayon na heto na, nandiyan na si Bean. Kaya na namin bumiyahe. May basbas na rin ng mga lola dahil nga nabinyagan na siya.

“Tuloy na tuloy na kami. But this time, kailangan namin ng extra hand kasi may mga gusto kaming gawin na ma-check sa bucket list namin like gusto kong matutong mag-dive, gusto ko rin i-explore ‘yung iba’t ibang areas na pupuntahan namin sa Palawan.

“Feeling ko may chance na kapag tulog si Bean maiiwan siya sa yaya so magdadala ako ng mga bote niya at saka mga na-freeze ko na milk.

“Nag-ipon ako mula nu’ng after ko magka-COVID nag-ipon talaga ako ulit ng gatas kahit na humina yung supply ko para nga ma-enjoy namin itong bakasyon namin ngayong February,” sey pa ni Angge.

Ilan sa mga laman ng luggage nila ay ang first aid kit, medicine kit, portable speaker, infant spring float, swimwear and toiletries, cable, charger, organizer bag, pocket wifi, extension cord, baby blankets, portable breast pump at marami pang iba.

Hirit pa ni Angelica, “Ganito pala mag-travel ‘no, pag may kasama kang bata. Ha-hahaha! Monday pa lang nag-eempake na ako tapos today is Thursday and ang sakit-sakit ng katawan ko kasi nga akyat-baba ako. Ang sakit ng legs ko. Buhat dito, buhat diyan, tupi, linis!”

Kris Aquino maganda ang response ng katawan sa treatment, sey ni Ogie Diaz

Jessy Mendiola may pangako kay Luis Manzano: I will be there to fight your battles for you

Nadine, Christophe mala-Tarzan at Jane ang drama sa isang virgin island sa Palawan

Read more...